Call center nago-offer ng massage with happy ending, 16 arestado

September 1, 2021 Melnie Ragasa-limena 209 views

INARESTO ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) Enforcement and Investigation Division ang isang call center agency at naaresto ang 16 katao center agents na nag-aalok umano ng ‘sex’ sa mga tumatawag na kliyente sa Tandang Sora, Brgy. Culiat, Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng OMB, bandang alas-8:00 ng gabi (August 31) nang salakayin nila ang nasabing gusali na nagpapanggap na call center office kung saan anim na kababaihan at 10 lalake ang kanilang hinuli na pawang mga sangkot sa umanoy cybersex activities at credit card phishing scam.

“May element talaga ng cybersex. Nag offer sila nung kung anu- anong massage… exotic na mga massages. Yung mga kliyente let’s just say hindi rin talaga wholesome purpose. Siguro after nila utuin may nagrereklamo na nauto yung credit card kasi ayaw din nila malaman ng mga kakilala nila they were availing ng mga ganung services,” ayon kay Atty. Cyrus Valenzuela, Optical Medica board chief legal officer.

“We are coordinating with the cybercrime division ng PNP. We are trying to get in touch with them kung gusto nila sumali sa terms of prosecuting. We are open to that after payment through credit card, mag lock na lang bigla?,” ayon pa kay Valenzuela.

Sinabi ni Valenzuela, kanilang kakasuhan ang mga hindi pinangalanang naarestong 16 na katao maging ang mga nangangasiwa ng pekeng call center office ng paglabag sa RA 9239 Optical Media Act at Anti- Cyber Crime Law.

“Well una kasi they are offering massage service and this is not naman the wholesome massage. Offer nila massage service na may happy ending. Siyempre kliyente kung magpapa-happy ending ako patingin muna ng itsura mo. Papakita sila ngayon ng mga picture na nakahubad.. ito ako. Sabihin ampogi mo pala eh. Ganun mga style nila,” giit ng abogado.

Nakumpiska ng OMB sa nasabing call center office ang mga computers na naglalaman ng mga ebidensiya ng umanoy ‘illegal activities’.