Holdaper ng jeep kinuyog

September 1, 2021 Francis Naguit 226 views

KINUYOG ang isang lalaki ng tangkain nitong holdapin ang isang pampasaherong jeep matapos masukol ng taumbayan sa Tondo, Maynila.

Kulong sa MPD Station 7 ang suspek na si Mark Anthony Yburan, 31, binata, at nakatira sa Jacintio Street 11th Avenue, Caloocan City.

Ayon kay P/Maj.Joseph Jimenez, Hermosa PCP commander, tinutukan ng suspek ang isa sa tatlong pasaherong biktima ng balisong saka kinuha ang kanilang mga cellphone.

Sa takot nagtalunan ang mga biktima sa pampasaherong jeep dahilan para magkasugat-sugat ang mga ito na pawang mga kababaihan.

Nang makulimbat ang mga gamit ng mga pasahero lumipat naman sa driver ang supek saka pilit na inagaw ang manibela ng jeep.

Dahil hindi naman marunong mag-drive ang suspek, bumangga sa gilid ng kalsada ang pampasaherong jeep na nakaagaw sa atensyon ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-criminality patrolling operation malapit sa lugar na pinangyarihan kung kaya’t naaresto ang suspek.

Dipensa naman ng suspek, nagawa niyang mangholdap para pambili umano niya ng gamot para sa kanyang anak na mayroong pneumonia.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, dati nang may kasong pagnanakaw at illegal na sugal ang suspek at ngayon ay robbery with intimidation naman ang kanyang kakaharaping kaso
Narekober naman ang mga cellphone at pera ng mga biktima na desisdong magsampa ng reklamo,.

Narekober din ang kutsilyong ginamit ng suspek sa panunutok upang makapangholdap.

Pinayuhan naman ni Jimenez ang publiko lalo na ang mga pasahero na huwag nang manlaban at ibigay na lamang ang hinihingi at kapag nakuha na ang gusto ng holdpaer saka humingi ng saklolo. Nina Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE