MPD Director

Francisco: 4 timbog sa drugs, isa sa rape sa Ermita

July 28, 2021 Jonjon Reyes 471 views

SINABI Miyerkules ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. General Leo Francisco na naaresto na ng kanyang mga tauhan ang apat na drug suspect at isang rape suspect na nasa listahan ng 8 Most Wanted Men sa Ermita, Manila, sa magkakahiwalay na operation.

Ayon kay Francisco, inaresto ng MPD Station 3 sa ilalim ni Lt.Col. John Guiagui ang isang babae na umano’y supplier ng shabu kasama pa ang tatlo pang umano kasabwat nito sa isang buy-bust sa Sta.Cruz, Manila.

Sinampahan ng paglabag sa kasong Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 sina Anisa Sandad, 24, ng 12th Street, Port Area, Manila sa kasong possession ng pinagbabawal na gamot kasama sina Jeric Lacaden, 31 ng Batangas City , Lawrence Engelbert Canlas 48, ng Sampaloc,Maynila ng Jeffrey Volina 17 ng Carlos P. Garcia ng Tondo, Maynila.

Ayon kay Col. Guiagui , base sa ulat ni P!aj. Pidencio Saballo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement, ang pagdakip ay isinagawa noong July 28 labsn kay Sandad ang kanilang main target sa Langit Street Sta.Cruz Maynila.

Nakabili ang mga operatiba ng P500 na shabu kay Sandad at tatlong iba pa.

Nakuha sa kanila ang anim na sachets ng shabu na tumitimbang ng 44 grams at nagkakahalaga ng P299,200. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE