F2F na Sandugo Festival ibinalik
MAHIGIT dalawang taon nung umpisang tamaan ang buong mundo kasama ang ating bansa COVID-19 ay unti-unti na tayong bumabangon sa delubyong dulot nito.
Ang sektor ng turismo ang isa sa pinakamalubhang tinamaan ng
pandemnya matapos mag desisyon ang gobyerno sa pamumuno noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isarado ang mga paliparan sa Luzon noong Marso 20, 2020, bilang parte ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nag umpisa noong Marso 16 ng parehong taon.
Dahil sa mga travel restrictions, inanunsyo ng Department of Tourism (DoT) na ang international tourist receipts sa unang bahagi ng 2020 ay bumagsak sa P85 bilyon, mas mababa ng 36% kumpara sa kita sa parehong panahon nung nakaraang taon.
Sa paghahangad nito na itaguyod at palakasin ang turismo at kultura, nag desisyon ang Airasia Super App at AirAsia Philippines na i-organisa nung nakaraang Biyernes (Hulyo 29) ang Aiirasia Fiesta Concert at Sandugo night market, na siksik ng masiglang mga gawain, programa at mga promo para sa Boholanos.
Pagkaraan ng dalawang taon na isantabi muna ang mga pagsasaya at tradisyon dahil sa COVID-19 pandemic, ang lokal na pamahalaan ng Bohol ay nag desisyon na ibalik ang face-to-face Sandugo Festival sa mga kalsada.
Bagaman ang pagsasayaw sa lansangan (street dancing) ay kinansela para sa taon na ito, iba pang masiglang mga gawain katulad ng tourism expo, quiz bee, Miss Bohol 2022 at jobs fair ay itinuloy.
Para idaos ang Sandugo Festival, ang airasia Super App Philippines ay magbibigay ng malalaking deskwento sa hotel at flight bookings sa pinakamababang halaga (for as low as) 1,200 pesos mula Manila hanggang sa Tagbilaran.
Ang mga gumagamit ng airasia Super App ay pwede rin mag enjoy ng higit sa 20% na diskwento sa mga pagbili nito sa Travelmall sa pamamagitan ng paggamit ng promo code TMSUPER20. Maliban sa mga diskwento, ang airasia Super App ay magpapabola (raffle) ng free accommodations sa Solea Coast, Bohol Shores, Twin Tides, at Ocean Suites sa mga lumahok sa Sandugo Festival.
“Sandugo holds so much significance to all of our Boholano friends and family here, but this year makes it more meaningful as we return to the streets and regain the merriment of celebrating face-to-face. The return of Sandugo signals that we are on the right track to recovery and Boholanos can be assured of airasia Super App’s continued support in stirring travel demand as we also provide opportunities for micro small medium enterprises in the province,” ani Ray Berja, ang Managing Director of airasia Super App Philippines, sa isang pahayag.
Ayon pa kay Berja, dahil na rin sa Airasia Super App nagkaraoon ng pagkakataon ang mga Boholanos na makahanap ng mga murang bilihin at mga delicacies sa pamamagitan ng isang Night Market sa Old Tagbilaran Airport.
Bukod pa dito, ang mga gumagamit ng airasia Super App ay inaliw ng isa sa pinakamagaling na Filipino OPM bands sa bansa, ang Spongecola, mga lokal na palabas, Allstars at DJs sa airasia Fiesta concert.
Samantala, pinaalalahanan ni Berja ang publiko ng marami pang masiglang promotions dahil ang iba pang negosyo sa ilalim ng airasia Super App katulad ng food delivery, ride-hailing at iba pa ay ilalabas sa mga susunod na buwan.
“Download the airasia Super App via Apple App Store or Google Play Store now. For updates, follow the @airasiasuperapp on Facebook and Instagram. With airasia Super App, Filipinos can now travel and shop more, for less,” dagdag pa ni Berja.
MABUHAY KAYO AIRASIA! SALAMAT SA TUNAY NA DIYOS!. ([email protected])