Default Thumbnail

Ex-sundalo kinasuhan sa pagkadedo ng kagawad

March 11, 2023 Jonjon Reyes 368 views

PAGSISISI sa huli ang nadarama ng isang dating sundalo na inakusahang nakapatay umano sa isang barangay kagawad matapos nito barilin diumano at ikinasugat pa ng isang waitress sa isang resto bar sa J. Nakpil. St., Ermita, Maynila Huwebes ng umaga, Marso 9, 2023.

Ito ay matapos itong sampahan ng kasong “murder” at “frustrated Homicide” dahil sa insidente matapos barilin umano ang opisyal ng barangay at tamaan ng ligaw na bala ang 29-anyos na waitress, iniulat ng pulisya.

Ayon kay Police Captain Wilbert Aticao, hepe ng Remedios PCP (Police Community Precinct) sakop ng Manila Police District (MPD) Station 5, kahit naka-clamp na umano ang gulong ng sasakyan ng suspek at pinilit pa rin nitong tumakas subalit nahabol din ito ng mga pulis na sina Police Staff Sargent Arnel Espeña at Police Corporal Vijay Obarra nakatalaga sa Remedios PCP

Sa pangunguna ni P/Capt. Aticao ay nasukol ang suspek sa Singalong cor. Remedios Sts., sa Ermita, Malapit sa isang barangay hall.

Pagkababa pa lamang ng suspek, ay agad nang sinipa ng mga rumespondeng pulis ang kanang hita umano nito para mawalan ng balanse hanggang sa mapadapa ito saka pinosasan.

Narekober ang ginamit na kalibre 45 na Colt na pistola sa pamamaril.

Gayunman, ligtas na sa kapahamakan ang waitress na kasalukuyang nagpapagaling na sa Ospital ng Maynila.

Nauna rito, dakong 11:00 ng gabi ng Miyerkules, habang umiinom ang biktima na manager diumano ng resto bar dahil kaarawan ng isa sa kanilang tauhan.

Ang suspek naman ay sa dakong itaas naman ng gusali ng resto bar naman umiinom umano.

Sa imbestigasyong isinagawa ng mga tauhan ni P/Capt. Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, kasama ang Forensic Unit, bandang 10:30 ng umaga nitong Huwebes nang maganap ang pamamaril sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, sinabihan ng biktima ang suspek na pumarada sa tapat ng resto bar dahil umano sa clamping operation sa lugar.

Binalewala umano ito ng suspek at kinabukasan ay nagalit sa kagawad dahil na-clamp na ang sasakyan nito.

Narebyu sa CCTV ng resto bar ang ginawang pamamaril ng suspek at may hawak na baril sa likod bago nangyari ang insidente.

Mabilis naman naisugod ang mga biktima sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay ang kagawad.

AUTHOR PROFILE