Default Thumbnail

MAY BOMBA AKO SA KATAWAN!

March 11, 2023 Gil Aman 324 views

MAY bomba ako sa katawan!

Matapos marinig ng mga tao ang sigaw na ito ng isang lalaki ay nagkagulo, nagkasiksikan at tapakan nitong Biyernes sa loob ng isang mall sa Laguna.

Ayon kay P/Lt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba police, ang suspek ay agad inaresto.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1727 (Declaring as Unlawful the Malicious Dissemination of False Information of the Willful Making of Any Threat Concerning Bombs, Explosive or any Similar Device or Means of Destruction and Imposing Penalties Therefor) ang suspek.

Sa ulat ng pulisya naganap, dakong hapon matapos pumasok ang suspek sa entrance ng mall ay saka ito sumigaw umano upang tawagin ang pansin ng mga mamimili na nahintakutan.

Ayon sa pulisya, paulit-ulit na sumigaw ang suspek nag“May bomba ako sa katawan, may bomba ako sa katawan,” sabay itinaas ang suot nitong T-shirt sanhi upang maalarma ang ibang mamimili sa mall.

Dahil sa pangyayari, agad na inaresto ng security guard ang suspek matapos itong tumakbo sa loob ng supermarket.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspek na kasalukuyang nakapiit sa Calamba City Jail.

AUTHOR PROFILE