Default Thumbnail

Embroidery ang negosyo

June 5, 2024 People's Tonight 109 views

IGINIIT ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na ang negosyo ng kanyang ama ay tungkol sa embroidery.

Ito ang sagot ng alkalde sa mga alegasyon na iniuugnay ang kanyang amang si Angelito Guo sa money laundering sa bansa.

Sa kanyang liham na ipinadala sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na nagsasagawa ng executive session kaugnay sa mga aktibidad na may kaugnayan sa ni-raid na POGO hub sa Tarlac, sinabi nu Guo na negosyante ang kanyang ama hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ipinaliwanag niyang madalas na lumalabas ng bansa ang kanyang ama upang asikasuhin ang kanyang mga negosyo na legal.

Sinabi rin ni Guo na wala siyang kinalaman sa hacking activities.

AUTHOR PROFILE