Ed Sheeran Larawan: Ovation Productions/FB

Ed Sheeran balik Pinas para sa kanyang concert

October 20, 2023 People's Tonight 261 views

SI Ed Sheeran, isang British singer-songwriter na nakilala sa mga awiting “Perfect,” “Supermarket Flowers,” “Dive,” at “Lego House,” ay babalik sa Pilipinas para isagawa ang kanyang tour concert.

Sa isang Facebook post, inihayag ng producer na Ovation Productions na magaganap ang “± ÷ x Tour” ni Ed Sheeran sa SMDC Festival Grounds sa darating na Marso 9, 2024. Kasama ni Ed Sheeran sa naturang concert ang singer-songwriter na si Callum Scott bilang special guest.

Sa post ng Ovation Productions, ito ang kanilang anunsyo: “Dadalhin ni Ed Sheeran ang ± ÷ x Tour sa Manila noong Marso 9, 2024, sa SMDC Festival Grounds.”

Ayon sa organizers, maaari nang bilhin ang mga tiket para sa concert simula sa Oktubre 26, alas-12:00 ng tanghali, sa ovationtickets.com at smtickets.com.

Noong Abril 2018, huling nag-perform ang award-winning artist sa Pilipinas sa isang sold-out concert sa SM MOA Concert Grounds para sa kanyang “Divide” tour.

Unang itinakda ang naturang concert noong Nobyembre 2017, ngunit na-reschedule ito dahil sa isang cycling accident.

AUTHOR PROFILE