Loren

Duterte: Loren karapat-dapat ibalik sa Senado

February 25, 2022 People's Tonight 391 views

INENDORSO ni Pangulong Rodrigo Duterte si Deputy Speaker Loren Legarda na tumatakbo bilang senador sa ilalim ng UniTeam Alliance.

Sa isang recorded message, sinuportahan ng Pangulo ang kandidatura ni Legarda na dating three-term senator at ngayo’y kinatawan ng Lone District of Antique.

“Even before she entered politics, former Senator Legarda has shown great involvement in public service. When she became senator, she was able to help many more Filipinos through her advocacies. Now that she’s running for senator again, I hope you will consider her in your list. I believe Loren deserves to be back in the Senate, (Bago pa man pumasok sa politika, si dating Senator Legarda ay may malalim na karanasan sa serbisyo publiko. Nang siya’y maging senador, mas maraming Pilipino ang kanyang natulungan sa pamamagitan ng kanyang mga adbokasiya.

Ngayong tumatakbo siyang muli bilang senador, nawa’y isama niyo siya sa inyong listahan. Naniniwala akong karapat-dapat bumalik si Loren sa Senado),” ayon sa Pangulo.

Nagpasalamat naman si Legarda sa mabubuting salita, tiwala at buong suporta ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbabalik-Senado. “Maraming-maraming salamat po. Wala pong katumbas na halaga ang inyong endorsement para sa akin, sa aking pamilya at mga nasasakupan sa Antique. Sakaling makabalik sa Senado, nangangako po akong gagawin ang aking tungkulin ng buong katapatan upang mapaglingkuran ang sambayanang Pilipino,” saad ni Legarda.

Kasama sa mga panukalang batas na ihahain ni Legarda ang mga matagal na niyang adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan, climate change adaption, trabaho at kabuhayan, kalusugan, edukasyon at marami pang iba.

Bilang kampeon ng kalikasan, nangako siyang patitibayin ang mga batas upang maging handa ang bansa sa disaster at calamity preparedness upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at matinding pagkawasak ng mga ari-arian sa mga delubyong tulad ng typhoon Ondoy, Yolanda at Odette.

AUTHOR PROFILE