Posas

Driver tiklo sa pangnenenok ng baterya, jack, gulong

October 24, 2023 Steve A. Gosuico 281 views

SAN LEONARDO, Nueva Ecija — Arestado ang isang 27-anyos na truck driver dahil sa pagnanakaw ng dalawang baterya, jack, gulong, rim at dalawang liyabe noong Lunes.

Kinilala ni police head Major Arnel Aguilar, hepe ng pulisya, ang driver na residente ng Purok Camia A, Bgy. Rio Chico, General Tinio, Nueva Ecija.

Tiklo ang driver dahil sa qualified theft na isinampa ni Jessie Bal Jr., 28, ng Guyabano St., Bgy. Concepcion, General Tinio. Tinatayang nasa P49,000 ang halaga ng ninakaw ng suspek.

Humingi ng tulong sa pulisya ang negosyante matapos niyang malaman ang pagnanakaw ng suspek sa Bgy. Tabuating dakong alas-11:00 noong Lunes.

Isang testigo, mula sa Bgy. Concepcion, General Tinio, ang lumutang at itinuturo ang salarin sa pagnanakaw.

AUTHOR PROFILE