
DonBelle pumalit sa Lizquen
SA kabila ng pandemya nung 2021, nabuo ang tinaguriang phenomenal , new gen and pandemic loveteam nina Donny Pangilinan (25) at Belle Mariano (21) and they are now considered as one of the hottest loveteams of their generation.
Thanks to their first team-up sa mini-series na “He’s Into Her” kung saan nagsimula ang tambalan ng dalwa.
Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila sa “He’s Into Her,” nagkaroon ito ng Season 2 in 2022. They also starred in a movie na “An Inconvenient Love” na pinamahalaan ni Petersen Vargas under Star Cinema and was a big hit. Ang nasabing pelikula bale ang first movie na pinagbidahan ng dalawa at kauna-unahan ding pelikula ng Star Cinema na ipinalabas sa sinehan during the pandemic. Prior to that, meron din silang digital movie, ang “Love is Color Blind”.
Sila ring dalawa ang nanguna sa Kapamilya tour abroad in 2022.
Although wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa sa estado ng kanilang relasyon, naniniwala ang marami (including this writer) na magkasintahan na ang dalawa.
Dahil sa pagiging mainit ng tambalan ng DonBelle nina Donny at Belle, agad silang pinagkatiwalaan ng kanilang home studio, ang ABS-CBN ng kanilang kauna- unahang primetime TV series na pinamagatang “Can’t Buy Me Love” na pamamahalaan ni Mae Alviar-Cruz under Star Creatives. At may bago rin silang movie na gagawin.
Although older ng four years si Donny kay Belle, mas matagal na ang huli sa showbiz dahil nagsimula siyang child star sa pagiging bahagi ng dating top-rating and long-running kiddie gag show, ang “Goin’ Bulilit”. Nasubaybayan si Belle mula sa kanyang pagiging child actress, teen-star at ngayong maituturing na siyang adult at 21.
Dahil maagang na-dissolve ang tambalan ng LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, agad nabigyan ng chance ang team-up nina Donny at Belle na pumaimbulog.
Kasal nina Maine at Maja dalawang araw lang ang pagitan
DALAWANG grand celebrity weddings ang magaganap bago magtapos ang buwang kasalukuyan, ang kasal ng engaged couples na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza at sina Maja Salvador at Rambo Nunez.
Dalawang araw lamang ang pagitan ng wedding ng dalawang engaged couple. Sina Maine at Arjo ay nakatakdang ikasal ngayong Biyernes, July 28 habang sa araw naman ng Lunes, July 31 sina Maja at Rambo.
Since parehong part ng “E.A.T.” noontime show sina Maine at Maja, tiyak na kasama sa mga ninong si Vic Sotto maging ang lady boss ng Beautederm na si Rei Anicoche-Tan.
Hindi napapanood ngayon sina Maine at Maja sa “E.A.T.” on TV5 dahil sa kanilang nalalapit na respective weddings.
Ang tunay na dahilan ng pagre-resign ni Wilbert bilang manager ni Herlene
PERSONAL na inamin sa amin ni Herlene Budol na malaki umano ang tulong at sakripisyo sa kanya ng kanyang dating talent manager, ang entrepreneur na si Wilbert Tolentino para marating niya kung nasaan man siya ngayon.
Si Wilbert lang umano ang naniwala sa kanyang potential at kakayanan.
Siya rin ang gumastos sa lahat ng `enhancements’ sa kanyang mukha maging ang kailangang trainings, mga damit and gowns para mapasok siya sa pagiging official candidate ng Bb. Pilipinas.
Katunayan, Wilbert also provided Herlene a house na matitirahan nito .
He also got for her various product endorsements and all the works. Sa madaling salita, he made wonders para sa kanyang talent and it worked. He would do everything for Herlene na umangat at makilala. Dahil dito, marami ang nabigla nang biglang mag-resign si Wilbert bilang business manager ni Herlene lalupa’t barely two years pa lamang ang relasyon ng dalawa as talent and manager. Last Monday, July 24, nag-post ang talent manager-enrepreneur sa kanyang FB account kung saan niya ipinaalam sa lahat ang kanyang pagre-resign as manager ni Herlene.
Narito ang kanyang post:
“Ako po ay opisyal na magbibitiw bilang Talent Manager ni Herlene Hipon Budol effective July 31. Sa loob ng isa’t kalahating taon, tumayo akong pangalawang magulang niya, sa kanyang karera at tinuring ko siyang para ko na rin anak.
Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinag-isipan. Subalit kailangan ko ng pagtutuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyan oras ang aking anak dahil una sa lahat tumatanda na si KaFreshness, at higit akong kailangan niya lalo’t lumalaki na siya.
Di lingid sa lahat, na bilang Talent Manager, ito ay ubos-oras na tungkulin.
Kulang ang bente kwatrong oras sa isang araw para sa sarili kong buhay.
Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene.
Sa maikling panahon ng pag-aalaga ko sa kanya, marami na rin kaming na- achieve, hindi lang sa buhay niya kungdi sa karera niya bilang Beauty Queen. Unang salang ko sa kanya sa Binibining Pilipinas 2022 ay naging 1st Runner- up siya kaagad sa tulong ng Kagandahang Flores Campo at buong KaFreshness Glam Team at dahil dyan marami ako nakuhang endorsement at proyekto para sa kanya at wala pong komisyon kahit magkano dahil yun ang nakapaloob sa aming kontrata at napagkasunduan bilang manager niya. Ngayon naman ay kapapanalo lang niya bilang Miss Philippines Tourism 2023. Masaya ako para sa kanya dahil makatungtong siya sa international stage sooner.
Pagdating naman sa pag-aartista, nabigyan ko naman eto ng isang malaking break sa tulong ng Kapuso Network at nagkaroon siya agad ng first lead role sa “Magandang Dilag” at mataas na ratings!
Marami pa siyang upcoming project na naisara ko para sa kanya hanggang matapos ang taong 2023 ay magkakaroon siya ng TV commercial, billbord at makikita nyo soon sa lahat ng supermarket ang mukha ni Herlene na ilo-launch ang isang produkto sa last quarter ng taon.
Masaya ako para kay Herele dahil natulungan at natupad ko mga pangarap niya tulad ng bagong bahay, kotse at iba pang investment na naipundar niya.
Malayo pa ang mararating ni Herlene. Sana lang isapuso niya ang core value na itinuro ko sa kanya na COMMITMENT, PROFESSIONALISM and GRATITUDE. I am very optimistic na lalago pa ang karera niya ang more endorsements, TV shows and movies to come!
Gusto ko rin magpasalamat sa mga kumpanya na nagtiwala sa amin ni Herlene at e-render ko ng maayos ang mga napagkasunduan at napirmahan namin na mga kontrata.”
Samantala, marami ang naniniwala na ang attitude umano ni Herlene ang dahilan kung bakit gumib-ap at nag-resign bilang manager niya si Wilbert.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.