Default Thumbnail

Dimples nagbukas ng restaurant sa Singapore

April 30, 2021 Aster Amoyo 456 views

KUNG ang iba’t ibang business establishments including restaurants sa Pilipinas ay nagsasara dahil sa pandemic, kakaiba naman ang ginawa ng Kapamilya actress at celebrity vlogger na si Dimples Romana dahil nagbukas ito ng isang restaurant recently pero hindi sa Pilipinas kundi sa Singapore.

Named Alegria, ang nasabing restaurant na matatagpuan sa 18 Teck Lim Road in Singapore ay nagsi-serve ng Latin-American cuisines.

Unknown to many, si Dimples ay nagtapos ng International Hospitality Management major in Culinary Arts sa Enderun College bukod pa sa BS-Tourism sa University of Santo Tomas.

Married to a non-showbiz guy for 18 years, Boyet Ahmee, the couple has two children, sina Callie at Alfonso.

Dimples started her showbiz career in 1997 nang siya’y mapasama sa TV drama series na “Esperanza” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos at kasunod na rito ang isa pang longtime afternoon TV series na “Tabing Ilog” na tinampukan ng mga young talents noon ng ABS-CBN sa pangunguna nina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Paolo Contis, Desiree del Valle, Patrick Garcia, Paula Peralejo at marami pang iba.

Although naging sunud-sunod ang mga ginawang TV series at pelikula noon si Dimples, it was only in 2019 nang kanyang gampanan ang anti-heroine role as Daniela Mondragon-Bartolome sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” umalagwa nang husto ang career ng actress. Sa kabila ng kanyang bida-contravida role, tumatak nang husto sa publiko ang kanyang character bilang si Daniela Mondragon-Bartolome at kasunod na rito ang kanyang pagiging in-demand bilang celebrity endorser or brand ambassador ng iba’t ibang produkto.

Si Dimples ay may special guest participation sa hit primetime TV series na “Huwag Kang Mangamba” at kasalukuyan ding napapanood sa isang weekly sitcom, ang “Oh My dad” with Ian Veneracion produced by Brightlight Productions at napapanood sa TV5.

Sa kabila ng pagiging abala ni Dimples sa kanyang showbiz career, kaya nitong balansehin ang kanyang pagiging wife and mother sa kanyang husband at dalawang anak, sa kanyang pagiging YouTuber and now, bilang isang entrepreneur.

Samantala, pinag-usapan nang husto nung nakaraang taon ang pagiging generous ni Dimples at ng kanyang mister na si Boyet nang kanilang regaluhan ng isang brand new house ang kanilang helper for almost two decades na si Vilma na kinu-consider na nilang kapamilya.

Ang isa pang celebrity na nagbigay na house noon sa kanyang Yaya Lina ay si KC Concepcion. Nagkaroon din ng bahay sa Pangasinan ang celebrity yaya noon ni Sharon Cuneta na si Yaya Luring.

Claudine willing makatrabaho muli si Mark Anthony

SA exclusive interview namin with comebacking actress Claudine Baretto for our online show, “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, inamin ng actress na ang actor na si Mark Anthony Fernandez ang kanyang first love habang ang namayapang actor na si Rico Yan naman ang kanyang greatest love. Big mistake naman ang kanyang description sa kanyang ex-husband na si Raymart Santiago, ama ng kanyang dalawang anak, ang kanilang adopted daughter na si Sabina (17) at biological son na si Santino (13). After her separation sa kanyang dating mister, muling nag-adopt si Claudine ng dalawa pang bata, sina Quia (5) at Noah (3) kaya apat na anak ang kanyang inaalagaan ngayon bilang single parent.

Inamin din ni Claudine na open siyang makatrabahong muli ang kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony kung magkakaroon ng project para sa kanilang dalawa.

“Okey kami ni Mark, we’re friends,” aniya.

Although bukas pa rin si Claudine sa posibilidad na umibig muli balang araw, mas naka-focus ang kanyang attention ngayon sa kanyang apat na anak at sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Samantala, tuloy na tuloy na ang pagbabalik-pelikula ni Claudine sa bakuran ng Borracho Films in cooperation with Viva Films. Ang iba pang co-producers sa comeback movie ni Claudine ay ang mga negosyanteng sina Luisito Gamboa, Richard Chuateco at Aida Patana. May nakatakda rin siyang gagawing serye to be produced ng ABS-CBN pero mapapanood sa TV5. Tuloy din umano ang reunion movie nila ni Piolo Pascual under Star Cinema pero ibang proyekto na umano ito na nakatakda pa ring pamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Jhong eksperto na sa pag-aalaga ng baby

SOBRANG ini-enjoy ngayon ng singer-dancer, host, actor at politician na si Jhong Hilario (44) ang pagiging brand new dad sa kanyang first baby na si Sarina sa kanyang longtime partner na si Maia Leviste Azores who is 15 years his junior. Si Baby Sarina ay isinilang nung March 27, 2021. Dahil sa sobrang pag-iingat ni Jhong sa kalusugan at safety ng kanyang pamilya, nag-desisyon siyang mag-quit bilang isa sa participants sa singing impersonation competition sa ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar”. Nag-leave of absence din siya sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” dahil ayaw niyang maging carrier ng virus sa kanilang bahay at mahawa ang kanyang mga mahal sa buhay laluna ang kanyang month-old baby.

Si Jhong ay hindi nagkaroon ng anak sa kanyang British ex-wife na si Michelle Westgate na kanyang pinakasalan in civil rites nung October 11, 2005 pero nagkahiwalay din sila in 2011 due to irreconcilable diffirences at kasama na rito ang magkaiba nilang kultura. Ayaw din umano nitong manirahan sa Pilipinas kung saan naka-base si Jhong maging ang kanyang trabaho.

Si Michelle ay nakilala ni Jhong when he became part ng “Miss Saigon” musical sa London.

Ngayong may baby na sina Jhong at Maia at matagal na rin naman silang nagsasama, kasunod na kaya rito plano nilang pagpapakasal?

Samantala, magmula nang lumabas si Baby Sarina ay natuto si Jhong mag-alaga sa kanilang newly-born baby ni Maia. Bukod sa pagpapatulog sa bata, kabisado na niyang mag-palit ng pampers, magpa-dede at magpaligo na sa simula ay natakot siya. Pero ngayon ay expert na umano siya at kailangan din niya itong gawin dahil na-CS (caesarian section) si Maia sa panganganak sa kanilang baby.

Mga artistang maingat pero nagka-Covid pa rin

SA kabila ng pagiging maingat ng production team at cast ng nagtapos na afternoon TV series na “Bagong Umaga,”marami sa kanila ang tinamaan ng Covid-19 at kasama na rito ang lead stars na sina Heaven Peralejo at Tony Labrusca kasama sina Sunshine Cruz, Keempee de Leon at Nikki Valdez na pare-pareho namang naka-recover.

Ang “Bagong Umaga” ay nagtapos sa ere kahapon, April 30. Ito’y tumagal din sa ere sa loob ng anim na buwan na nagsimula nung October 26, 2020.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel ang follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE