Claudine Barretto

Comeback movie ni Claudine tuloy na

April 29, 2021 Aster Amoyo 1223 views

EARLIER, napabalitang hindi na umano matutuloy ang comeback movie ng actress na si Claudine Barretto under Borracho Films due to some internal issues. Pero muling humarap si Claudine kasama ang producers sa ilang members of the press para ituwid ang balita na tuloy na tuloy na umano ang filming ng pelikula ng aktres na nakatakdang pamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ang actor na si Jericho Rosales ang kinu-consider na magiging leading man ni Claudine kung saan ding gaganap sa isang mahalagang papel bilang kapatid ng actress sa pelikula ang singer-actress na si Kara Madrid. Kasama rin sa movie ang singer-actor na si Gerald Santos at iba pa. Shooting commence next month.

Nung nakaraang taon ay lumutang din ang balitang matutuloy na umano ang reunion movie nila ni Piolo Pascual na una niyang nakatrbaho in 2004 sa hit movie na “Milan” na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema. May titulo na ang movie nila ni Piolo, “2gether Un4ever” na nakatakdang idirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina sa ilalim ng Star Cinema pero na-hold ang filming ng pelikula dahil sa pandemya.

Claudine was in her teens when she was discovered by the late entertainment writer-turned producer and talent manager na si Douglas Quijano through her elder sister na isa nang kilalang actress in 1992.

Ang 41-year-old actress ay naging bahagi noon ng youth-oriented variety show na “Ang TV” in 1992 at naging bahagi ng hit sitcom na “Home Along Da Riles” na pinagbidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Ang nasabing sitcom ay in-adapt din into a movie in 1993. Ang kanyang first TV drama series ay ang hit teleserye na “Mula sa Puso” na tumagal sa ere ng tatlong taon. Sa nasabng serye nagsimula ang popular loveteam nila ng yumaong si Rico Yan na naging kasintahan din niya sa loob ng apat na taon.

Naging bahagi rin si Claudine sa iba pang sitcom tulad ng “Oki Doki Doc” ni Aga Muhlach at “Palibhasa Lalake” both on ABS-CBN kung saan din ginawa ng aktres ang kanyang most successful TV series and movies. Ilan pa sa kanyang mga successful TV series bukod sa “Mula Sa Puso” ay ang “Saan Ka Man Naroroon,” “Sa Dulo ng Walang Hanggan,” “Marina” at “Iisa Pa Lamang”. Ang mga box office hit movies naman niya noon sa bakuran ng Kapamilya network include “Dahil Mahal Na Mahal Kita,” “Anak,” “Got To Believe,” “Kailangan Kita,” “Milan,” “Nasaan Ka Man,” “Sukob” at “Etiquette for Mistresses” in 2015, her last movie.

Isa sa most successful loveteams noon ay ang tambalan nina Claudine and Rico. Pero bago pa man pumanaw si Rico ay nagkahiwalay ang dalawa. Rico died on March 29, 2002 at age 27 due to acute hemmorhagic pancreatitis at ang kanyang pagkamatay ay isa sa most schocking deaths sa showbiz.

Four years later after the death of Rico Yan ay nagpakasal si Claudine sa nobyong si Raymart Santiago nung March 27, 2006 at nagkaroon sila ng dalawang anak, ang kanilang adopted daughter na si Sabina and their biological child na si Santino. But in 2013 ay nagkahiwalay ang mag-asawa and it was a controversial break-up. Muli ring nag-adopt si Claudine ng isa pang baby girl na si Quia Barretto.

After seven years of being with ABS-CBN, Claudine moved to GMA in 2009 kung saan siya nagkaroon ng kanyang sariling drama anthology, ang “Claudine” at ang TV series na “Iglot” kung saan niya nakabituin ang dating magka-loveteam na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Nakagawa rin siya ng isang pelikula, ang “In Your Eyes” na co-produced ng GMA Films at Viva Films. In 2015, she became part of the movie adaptation ng “Etiquette for Mistresses,” isang librong sinulat ng veteran journalist at dating TV host na si Julie Yap-Daza. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ni Chito Rono and co-starred with Kris Aquino, Iza Calzado, Kim Chiu at iba pa.

After she left ABS-CBN in 2009, nakapag-guest din siya ng dalawang beses sa top-rating and longest-running drama anthology, ang MMK ni Charo Santos-Concio.

Taong 2016 naman nang gawin niya ang kanyang kaisa-isang TV series sa TV5, ang “Bakit Manipis ang Ulap ng Langit” kung saan niya nakasama sina Cesar Montano, Diether Ocampo at Meg Imperial at `yon na bale ang kanyang pinakahuling TV project na ginawa.

Nung 2017, marami ang ginulat ni Claudine nang siya’y dumalo sa taunang Star Magic Ball (nos ABS-CBN Ball), her first public appearance matapos siyang kumalas sa bakuran ng Kapamilya Network in 2009.

Maraming fans ni Claudine ang excited at umaasa na muli siyang maging aktibo hindi lamang sa paggawa ng pelikula kundi maging sa telebisyon.

Ang comeback movie ni Claudine ay magiging co-production ng Borracho Films at Viva Films, ang dating home studio ng aktres bago ito lumipat sa pangangalaga ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE