Dimples

Dimples iniwan ang bunsong anak para puntahan ang panganay sa Australia

July 17, 2022 Aster Amoyo 444 views

Dimples1Dimples2KAHIT barely one month-old pa lamang si Baby Elio, ang third child ng actress, host, social media influencer and entrepreneur na si Dimples Romana na isinilang nung June 24, 2022, iniwan muna niya ang bunsong anak sa kanyang mister na si Boyet Ahmee dahil lumipad siya patungong Gold Coast, Queensland, Australia to visit her eldest child na si Callie (18) na incoming 2nd year college ng Aviation Management sa Southern Cross University in Australia.

Very proud si Dimples sa kanyang panganay na natutong maging isang independent nang piliin nitong mag-aral sa Australia.

“Unfiltered golden hour with the golden girl on the Gold Coast,” post ng aktres sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang panganay na si Callie.

“Proof that the Lord hears even the most silent prayers of mothers. Happy to be here for this special milestone for you Ate @callieahmee. As you know, even when it may, at times, seem as if Dad@papaboyetonline and I need to attend to more pressing matters, YOU and your brothers will always be the TOP PRIORITY. We will run, fly, crawl if we have to, to get to you,” mensahe pa ng aktres sa kanyang unica hija.

Kahit ilang araw lamang mananatili si Dimples sa Australia, quality time ang naging bonding nila ng kanyang anak na si Callie.

And just like any other mothers, sobrang proud si Dimples sa kanyang panganay na gustong maging isang licensed commercial pilot balang araw.

Marami rin ang hanga sa aktres-host at celebrity endorser dahil sa kabila ng kanyang busy schedule ay kaya nitong balansehin ang lahat at kasama na rito ang kanyang pagiging misis ni Boyet at ina ng kanilang tatlong anak na sina Callie (18) Alonzo (7) at Baby Elio na magwa-one-month old pa lamang sa darating na July 24.

RyanRyan1

Ang kuwento sa likod ng musika ni Ryan Cayabyab

SA imbitasyon ng Star Music ng ABS-CBN ay nakapamasyal kami sa Calatagan South Beach (CaSoBe) in Calatagan, Batangas last Thursday kung saan namin nakakuwentuhan ang 2018 National Artist for Music na si Ryan Cayabyab at ang kauna-unahang Pinoy Pop Superstar grand winner-turned recording artist and professional singer and animal advocate na si Jona (Jonalyn Viray).

Although bihira naming makita at makasalamuha si Mr. C (Ryan Cayabyab), he always carries a cheerful personality.

Ang sandali naming tsikahan ay nauwi sa mahabaang kuwentuhan.

Tinanong namin niya sa kanyang reaction sa mga new batch ng National Artist Awardees which include superstar Nora Aunor at ang veteran award-winning writer and screenplay writer na si Ricky Lee.

“I’m so happy for all of them,” pahayag ng 2018 National Artist for Music na si Mr. C.

Ayon sa kanya, maganda talaga kung naigagawad ang National Artist Award sa isang taong buhay pa dahil naa-appreciate at nai-enjoy pa ito ng recipient tulad niya.

Mr. C. was 64 when he was awarded the National Artist Award for Music by Pres. Rodrigo Duterte in 2018.

Ang National Artist Award ay katumbas na rin ng Presidential Award dahil ang pangulo ng bansa ang final approval ng mga nomiees at siya rin ang nagku-confer nito sa mapiliping National Artist sa iba’t ibang kategorya.

Anim na taong gulang pa lamang noon si Mr. C. nang mamayapa ang kanyang inang si Celerina Pujante-Cayabyab, isang opera singer at dating professor sa College of Music sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City.

As a little boy ay madalas siyang karay-karay ng kanyang ina sa school hanggang sa music rehearsals ng mga estudyante na siya ring nagturo sa kanya ng piano lessons at age 4.

Bago namayapa ang kanyang ina ay pinagbilinan silang apat na magkakapatid na huwag gawing career ang musika dahil na rin siguro sa kanyang mga pinagdaanan noon.

Para mapagbigyan ang hiling ng kanyang ina ay nag-enrol siya ng Business Management major in Accounting sa U.P. pero nang mamayapa ang kanyang ina, hindi inaasahang makita ang ni Mr. C. ang mga areglo na naiwan ng mga estudyante at dito muling bumalik ang kanyang interest sa pagpa-piano at musika.

When he was 14 ay nakakapag-piano na siya ng Johann Sebastian Bach’s “Prelude” at solo piano performance ng”Rhapsody in Blue” by George Gerswhin.

Pagka-graduate niya ng high school ay kinuha siyang pianists ng isang chorale group ng isang bank at ito ang nakatulong na matustusan ang kanyang pag-aaral in college.

Taong 1972 nang ma-involve siya sa “Phlippine Madrigal Singers at dito niya nakilala ang singer at dating actor na si Victor Laurel na anak ng yumaong dating Vice-President na si Doy Laurel na noo’y senador pa lamang. Ina naman ni Cocoy (Victor) ang singer and theater actress na si Celia Diaz- Laurel .

Dahil na-witness ni Cocoy ang pagiging magaling na pianist at musician ni Mr. C., he recommended him to his dad at ginawa siya nitong scholar para mag-aral ng musika. Ito ang naging daan ng pag-switch ng kurso ni Mr. M from Business Administration to Convervatory of Music (also at the University of the Philippines) sa kabila ng bilin ng kanyang namayapang in ana huwag gawing karera ang musika.

Dahil sa rami na ng mga performances ni Mr. C. sa iba’t ibang bansa, it took him ten years bago niya natapos ang kanyang kurso sa U.P. nung 1983.

Naging full-time professor din siya sa U.P. under Dept. of Composition ng Music Theory.

Ang pagiging pianist and musician ni Mr. C. ay nadagdagan sa kanyang pagiging songwriter-composer, arranger, record producer, musical director, paggawa ng commercial jingles hanggang sa kanyang pagiging conductor.

He had the chance to work the the country’s top OPM artists and luminaries including internationally acclaimed Broadway Diva Lea Salonga. Siya’y nakapagtanghal din sa iba’t ibang prestigious venues sa ibang bansa tulad ng Lincoln Center in New York, Carnegie Hall (also in New York), Kennedy Center (New York), The Shrine in Los Angeles, California, Circus Maximum sa Caesar’s Palace in Las Vegas, Nevada, Washington Concention Center in Washington, D.C. at iba pa.

Bukod sa iba’t ibang bahagi malalaking venues ng Pilipinas, nakapagtanghal din siya hindi lamang sa Amerika kundi maging sa iba’t ibang bahjagi ng Australia, Canada, Germany, France, Spain, The Netherlands, Japan among others. Nakatrabaho rin niya ng iba’t ibang international luminaries tulad nina Frank Sinatra at Sammy Davis. He has also conducted the Philippine Philharmonic Orchestra for special performances para king King Hasan II in Morocco, King Juan Carlos and Queen Sophia of Spain in Manila, King Fahd of Saudi Arabia, Queen Beatrix at the Noordeinde Palace in the Netherlands, former U.S. President Bill Clinton at marami pang iba.

Nagkaroon din si Mr. C. ng kanyang sariling late night musical show, ang “Ryan Ryan Musikahan” na tumagal ng mahigit anim na taon ay nakatanggap ng 14 na awards bilang Best Musical Show and Best Musical Host mula isa iba’t ibang award-giving bodies.

Si Mr. C. rin ang nagbuo young pop group na Smokey Mountain na binubuo noon nina Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Tony Lambino at James Coronel in 1985 na tumagal hanggang 1995 bilang kasagutan noon sa sikat na Puerto Rican group na “Menudo”.

Sumikat nang husto ang Smokey Mountain hanggang mag-desisyon nang mag-solo si Geneva at magkani-kanya na ang ibang members. Ang first big hit ng teen group ay ang “Da Coconut Nut” na nanalo pa sa Tokyo Music Song Festival in Tokyo, Japan.

Mr. C. is also known for his other own hit compositions tulad ng “Mamang Kutsero,” “ Kay Ganda ng Ating Musika” at marami pang iba.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE