Angelica Larawan mula sa IG/@_angelicahart

Dila ni Angelica nakaka-adik

January 29, 2024 People's Tonight 116 views

GINANAHAN ang mga lalaki nang muling masilayan ang kaseksihan ng Vivamax’s Bisyo ng Bayan, Angelica Hart.

Sa Instagram page ng sexy star nitong Linggo, January 28, ibinahagi ni Angelica ang ilang larawan na agad namang pinagpiyestahan ng mga barako sa comment section.

Suot-suot ng hot actress ang isang denim pair of blue bra at napaka iksing shorts. Todo-smile si Angelica sa kanyang pose at may palabas dila pa siya dahilan para maakit ang mga kelot sa kanyang awra.

Tila mga asong tulo-laway ang mga anak ni Adan sa nakita nilang sumisirit ang kariktan na Eba.

Muling pinatunayan ni Angelica na siya ang bisyo ng bayan dahil sa nakaaadik nitong alindog.

Inulan naman ng mga komento mula sa netizens ang nasabing larawan ni Angelica. Tila nalunod sa heart at fire emojis ang ibinanderang hot body ng sexy star.

“Gandaaa.”

“Idol na idol kita.”

“My favourite viva max actress.”

Nakilala si Angelica sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Sip (2023), Bisyo! (2023) at Secret Campus (2023).

AUTHOR PROFILE