Dominic

Dominic pumatol sa basher

June 25, 2024 Vinia Vivar 141 views

Kilala nating hindi magpatol si Dominic Roque sa bashers pero mukhang hindi na siya nakatiis sa isang hindi magandang komento sa kanya kaya napa-react na siya.

Nag-post si Dom sa kanyang Facebook account ng series of photos niya na may caption na “life is good.”

In fairness, dinumog ng comments ang post na ito ng dating aktor na karamihan naman ay positibo pero siyempre, hindi pa rin maiwasan na mayroon pa rin talagang mga basher.

Isang netizen ang nakatawag sa pansin ni Dominic. Tinawag siya nitong cheater at iniwan daw niya sa ere ang fiancee na si Bea Alonzo.

“Hello cheater. Iniwan mo si bea sa ere. Karma is real,” ang komento ng netizen.

Maikli lang naman ang isinagot ni Dom knowing nga na hindi naman talaga siya mahilig pumatol.

“Luhhhhh,” sagot ng ex ni Bea with matching laughing with tears emoji.

Sa ngayon ay hindi na mahanap ang comment na ito ng basher pati na ang reply ni Dom pero nakunan ito ng screenshot ng iba.

Anyway, wish ng fans ni Dominic na maging happy na siya at mahanap na niya ang babaeng para sa kanya.

AUTHOR PROFILE