Default Thumbnail

Diabetic, may high blood ‘nagbigti’

March 16, 2022 Jonjon Reyes 321 views

SINASABING depresyon ang nagtulak para magpakamatay ang isang 53-anyos na babae nang madiskubreng nakabitin sa kanilang bahay sa San Andres Bukid, Manila

Ayon kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, ang insidente ay naganap Miyerkules ng umaga.

Batay sa ulat ni Det. Zoilo Nazario , may hawak ng kaso , huling nakitang buhay ang biktima pasado alas 9 p.m. ng Martes makaraang maghapunan.

Ang biktima umano ay hiwalay sa kanyang asawa at may iniindang mga sakit na high blood at diabetes na naging dahilan umano ng kanyang depresyon. Nina JON-JON REYES & C.J ALIÑO

AUTHOR PROFILE