
Dating sexy star hiniwalayan ng mayamang partner dahil sa kakatihan
PAPAKASALAN na sana ng kanyang mayamang partner ang isang dating sexy star na aktibo pa rin sa showbiz hanggang ngayon dahil napapanood pa rin siya sa isang TV series.
Sunod ang luho ng sexy star sa mayaman niyang partner kahit na nga meron na siyang anak nu’ng matigil sa pagpapaseksi.
Pati nga shopping, dinadala pa siya sa ibang bansa para makuha ang inaasam na bags at shoes, huh!
Kaso, biglang lumandi ang sexy star. Nahuli ng mayamang partner.
Ang nangyari? Hiniwalayan siya ng partner dahil sa kakatihan.
Ngayon, basta may trabaho, kahit support o guesting lang sa show, tinatanggap ng sexy star.
CHRISTIAN WEDDING
ISANG Christian wedding ang naganap sa Baguio last Thursday sa pagitan ng volleyball player-beeaty queen na si Michelle Gumabao at coach na si Aldo Panlilio.
Nagkaroon na sila ng church wedding last February para sa parents ni Aldo na Katoliko.
Ginanap ang ceremony sa Infinity Garden, Baguio Country Club, habang ang reception naman ay idinaos sa Cordillera Convention Hall.
Isa nang Christian si Aldo gaya ng wife niyang si Michelle.
Thanks sa manager ni Michelle na si Joel Roslin na nag-provide ng wedding pictures.