
Pelikula ng Regal, number 1 sa Netflix: May kasunod pa
MASAYA ngayon ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde dahil pumalo kaagad sa No. 1 on Netflix PH ang sexy-drama movie na “Guilty Pleasure” nang ito’y magsimula sa sikat na streaming platform last Wednesday, March 12. Pero nanatili pa rin sa Top 10 (#5) ang first movie team-up nina Maris Racal at Anthony Jennings, ang “Sosyal Climbers” na pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana.
Ang pelikulang “Guilty Pleasures” ay pinagbidahan nina Lovi Poe, JM de Guzman at Jameson Blake na pinamahalaan ni Connie Macatuno at ipinalabas sa mga sinehan nung October 2024.
Naka-line-up din ngayong March 14 ang Filipino-Japanese action-thriller movie na “Crosspoint” na pinagbidahan nina Carlo Aquino at ang Emmy-nominated Japanese actor na si Takehiro Ira na susundan ng “Mujigae” which was shot in South Korea at kung saan naman tampok sina Alexa Ilacad, ang South Korean actor na si Kim Ji-soo at ang child actress na si Ryrie Sophia.
Ang maganda lamang ay may ibang option ang mga film producers na kahit hindi gaanong kumita sa takilya ang kanilang mga pelikula ay puwede itong mag-number 1 sa Netflix PH.
Samantala, bukod sa pag-number 1 sa Netflix PH ng “Guilty Pleasure” ng Regal Entertainment, nakatanggap din ng special award, Audience’s Choice Award ng Manila International Film Festival ang actor at director ng pelikulang “My Future You” na sina Seth Fedelin at Crisanto Aquino bilang Best Actor at Best Director. Ang “My Future You” ay produced ng Regal Entertainment at isa sa sampung official entries ng 50th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Caridad nasaan na?
MARAMI ang nakaka-miss sa veteran actress na si Caridad Sanchez (Caridad Yuzon Sanchez-Babao) na mahigit sampung taon na ring hindi napapanood sa telebisyon maging sa pelikula.
Taong 2014 pa siyang huling napanood sa telebisyon sa pamamagitan ng TV drama series on GMA, ang “The Borrowed Wife” at ang weekly drama anthology na “Magpakailanman: Dalawang Kasarian” both on GMA. Meron na umanong mild cognitive handicap (that goes with aging) si Caridad who is now 92 years old.
Si Caridad ay merong dalawang anak sa kanyang namayapang mister na si Vicente Babao (uncle ng TV newscaster and vlogger na si Julius Babao) na sina Cathy at Alexander Joseph. Forty seven lamang noon ang veteran actress nang sumakabilang-buhay ang kanyang mister dahil sa heart attack.
Siya’y nagmula sa malaking pamilya from Mandaue, Cebu. Si Caridad ay bunso sa 15 magkakapatid. Bago mag-showbiz ay pangarap niyang maging isang lawyer.
Nakagawa siya ng mga Visayan films at taong 1958 nang siya’y makagawa ng kanyang unang mainstream movie under LVN Films, ang “Malvarosa” na pinamahalaan ni Dr. Gregorio Fernandez at tinampukan nina Charito Solis, Vic Silayan, Carlos Padilla, Jr. Vic Diaz, Rey Ruiz, Eddie Rodriguez, Leroy Salvador, Jr. at ipinalabas nung May 9, 1958. Five years later ay nasundan ito ng “Magtiiis Ka, Darling” nung 1964 under Ambassador Productions. The following year ay napasama siya sa pelikulang “Scout Rangers” under Zultana International. Kasunod na rito ang pag-sign-up sa kanya ng Lea Productions kung saan siya nanatili nung 1967 hanggaang 1973 at napasama siya sa mga pelikulang “Maruja,” “Ngitngit ng Pitong Whistle Bomb,” “Wanted: Perfect Mother,” “Santiago,” “Stardom,” at “Lupang Hinirang.”
Taong 1984 naman nang maging sunud-sunod ang kanyang pelikula sa bakuran ng Viva Films tulad ng “Alyas Baby Tsina,” “Hati Tayo sa Magdamag,” “Kapag Napagod ang Puso,” “Hiram na Mukha,” “The Flor Contemplacion Story,” “Pusong Mamon,” “The Sarah Balabagan Story” at “SPO4 Santiago: Sharp Shooter”.
Ang pangalan ni Caridad ay naging household byword nang gampanan niya ang papel ni Aling Idad, nanay ni Luisa (Marianne de La Riva) sa top-rating and the longest-running TV drama series “Gulong ng Palad” on BBC2 at RPN9, ang programang pinagmulan ng child star noon na si Romnick Sarmienta na siyang gumanap sa papel ng batang si Peping. Magmula noon ay naging sunud-sunod na rin ang mga TV and movie assignments niya.
Kilala si Caridad sa pagiging mabait, down to earth at magaling makipag-kapwa tao kaya isa siya sa mga well-loved personalities sa industriya. Sayang nga lamang at maaga itong nag-retiro sa kanyang showbiz career kaya marami ang nakaka-miss sa kanya.
Anak nina Ellen at Derek nabinyagan na
NABINYAGAN na ang anak ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na si Baby Liana pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang ibahagi sa publiko ang mukha ng kanilang anak.
Si Derek ay may binata nang anak sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na si Austin (now 21 years old) habang si Ellen ay may 7 year-old son na si Elias sa dati niyang nobyo, ang actor na si John Lloyd Cruz.
It was only in 2011 nang makilala ni Derek ang kanyang anak sa kanyang unang misis. Nung 2017 when Austin was 14, the boy decided to stay with his father. Ngayon ay may baby (half) sister na si Austin and a younger step-brother na si Elias.
Celebrity couples na ayaw ipakita ang mukha ng anak
MUKHANG hindi pa rin ready ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde-Marudo na i-share sa publiko ang kanilang first baby. Kahit madalas silang mag-share ng litrato ng kanilang baby ay parati itong nakatalikod o di kaya tinatakpan ang mukha.
Ganito rin ang ginagawa ngayon ng mag-asawang Rambo Nunez at Maja Salvador na `ipinagkakait’ din sa publiko ang face ng kanilang first born.
Kung ang ibang celebrity parents ay ipinangangalandakan sa publiko ang kanilang mga baby, kabaliktaran naman sina Derek at Ellen, Zanjoe at Ria maging ang couple na sina Maja at Rambo.
Tiyak na may rason sila kung bakit ayaw pa nila ipakita o ibahagi ang mukha ng kanilang respective babies.
Kiray ayaw pang pakasal sa boyfriend
AT 29 turning 30 on July 29 ay hindi pa umano handa ang actress-entrepreneur na si Kiray Celis na lumagay sa tahimik kahit ready na ang kanyang longtime boyfriend na si Stephan Estopia.
Ang pakiramdam Kiray ay ngayon lamang niya nai-enjoy ang kanyang pagkadalaga at mas focused siya ngayon sa kanyang lumalagong negosyo na may kinalaman sa food supplements.
Si Kiray ay isa sa mga produkto ng now-defunct kiddie gag show, ang “Goin’ Bulilit” na pinagmulan ng maraming big stars ngayon tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano at iba pa.
Bukod sa kanyang lumalagong negosyo at tagumpay bilang vlogger, si Kiray ay nakapagpatayo na rin ng bahay sa Tagaygay.
Natutuwa rin si Kiray sa kanyang nobyo dahil katuwang niya ito sa kanyang business.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.