Darren

Darren sa relasyon kay Cassy: Walang aaminin

December 16, 2023 Vinia Vivar 187 views

Na-corner ng entertainment press ang nali-link ngayong sina Cassy Legaspi at Darren sa grand mediacon ng When I Met You in Tokyo at kinulit-kulit sila sa estado ng kanilang relasyon.

Wala pa ring kinumpirma ang dalawa at sey ni Darren, wala kasing aaminin.

“Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa ‘min, ‘yun na ‘yun,” sey ng singer-actor.

Hindi naman sila nape-pressure na paulit-ulit silang tinatanong tungkol dito.

Sey ni Cassy, secure siya sa friendship nila ni Darren at anuman ang mangyari ay nasa likod nila ang isa’t isa.

Sabi naman ni Darren, ang mas nape-pressure ay ang fans nila pero thankful sila sa support ng kanilang mga tagahanga.

Samantala, masayang-masaya sina Cassy at Darren na finally ay nagkasama na sila sa isang movie. Akala nila dati, hindi ito mangyayari dahil magkaiba sila ng network.

“We never thought it would be possible kasi hindi naman po kami from the same network. We didn’t know how it would happen and here it is, When I Met You In Tokyo, nagkasama rin po kami ni Cass and we’re so honored to be part of this project,” sey ni Darren.

“And kaya rin naman po ako mas napa-oo agad kasi they said that my partner would be Cass in the film, so it made things so much easier for me as well,” dagdag pa ng singer.

Sey naman ni Cassy, talagang matagal na nilang wish ni Darren na magkatrabaho kahit nga sa short film lang kaya sobrang thankful siya na napili sila sa When I Met You in Tokyo na bigatin pa dahil ang kasama nila sina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Showing na sa Dec. 25 ang pelikula bilang isa sa sampung official entries ng Metro Manila Film Festival 2023.

Ito ay mula sa direksyon nina Radu Peru at Rommel Penza under JG Productions, Inc.

AUTHOR PROFILE