Dance DANCE PROWESS–Ang mga kaganapan sa nakalipas na pag bisita ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco sa SOCCKSKARGEN sa Mindanao.

Heritage, culture event sa Mindanao tapos na; DOT natuwa

June 9, 2024 Jonjon Reyes 126 views

NAGTAPOS ang Heritage, Culture, and Arts Caravan ng Sultan Kudarat sa pamamagitan ng mga dance performances sa harap ng delegasyon ng Department of Tourism (DOT).

Pinuri ng DOT ang pagsisikap ng Sultan Kudarat sa pagbibigay-halaga sa pagtataguyod ng turismo matapos ipahayag ni Kalihim Cristina Garcia-Frasco ang intensyon ng DOT na i-promote ng husto ang South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos (SOCCKSKARGEN).

“Dinadala natin yung ating mga tourism stakeholders, dignitaries at mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas upang tuklasin ang puso at kaluluwa ng Pilipino sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na makilala ang iyong pamana, ang ating kultura, mga sining, mga kanta, mga sayaw, mga pagkain, at ang kuwentong Pilipino.

Kaya naman po nandito tayo sa SOCCKSKARGEN para kilalanin kung gaano kaganda ang rehiyon na ito at para makita mismo ng ating mga Philippine experience delegates na ang SOCCSKARGEN at lahat ng mga lalawigan nito, kasama ang Sultan Kudarat, handa para sa internasyonal at lokal na turismo,” sabi ni Frasco.

Natuwa ang mga delegado sa masarap na mga lutuing Mindanawon dahil ipinakita ng mga Sultan Kudarateño ang kanilang pangako sa pangangalaga ng kultura, talento at pagkamalikhain.

AUTHOR PROFILE