Claudine Barretto

Claudine, umatras sa pagdedemanda kay Sabrina

July 13, 2023 Vinia Vivar 929 views

Hindi na magsasampa ng kaso si Claudine Barretto laban kay Sabrina M dahil sa pagkakalat nito ng tsismis na nakarelasyon niya ang yumaong aktor na si Rico Yan noong nabubuhay pa ito.

Nakausap namin ang best friend ni Claudine na si Bianca Lapus last Wednesday sa mediacon ng Hiraya Theater Productions at ito ang ibinalita niya sa amin.

Ayon kay Bianca, sinabi ni Claudine sa kanya na sayang ang oras niya kung magdedemanda siya lalo pa nga’t hindi niya kilala si Sabrina.

“Actually, sinabi ko sa kanya na may presscon ako. Sabi ko ‘baka tanungin ako about you kasi alam nila I’m one of your best friends, bigyan mo ako ng sagot.’

“At sabi lang niya sa akin, hindi siya magwe-waste ng money at oras para idemanda si Sabrina dahil hindi niya kilala si Sabrina,” sabi ni Bianca.

Ayon pa sa aktres at dating asawa ni Vhong Navarro, nang unang lumabas ang issue ay natawa lang si Claudine.

“More on na natawa siya. ‘Totoo ba?’ Kasi ‘yung timeline kasi hindi naaayon sa… maaaring magkakilala sila pero relasyon for 2 1/2 years is really impossible,” ani Bianca.

Matagal nang kaibigan ni Bianca si Claudine and even si Rico noong nabubuhay pa ito dahil magkakasabayan sila noon sa ABS-CBN kaya naman alam na alam din niya ang relasyon ng dalawa at imposible raw talaga na magkaroon ito ng affair kay Sabrina.

Samantala, si Bianca ang bida sa play na New Yorker in Tondo. Kasama rin siya sa Sinadasal, Frog Prince, Tatlo Buo at iba pa.

Bukod kay Bianca, nasa mediacon din si Direk Chaps Manansala at mga aktor na sina BJ Tolits Forbes, Marvien Maalona, JP Sumucad, James Lomahan, Ethyl Anne Osorio at Paul Jake Paule.

AUTHOR PROFILE