Claudine

Claudine pumalag sa ‘salamat dok’ isyu

March 21, 2024 Vinia Vivar 79 views

Hindi napigilan ni Claudine Barretto na sagutin ang isang netizen na inakusahan siyang “salamat dok” beauty.

Nag-post ng larawan si Claudine kasama ang mentor niyang si Johnny Manahan or Mr. M na kuha sa ginanap na birthday tribute para sa nasabing starmaker.

May netizen na nagkomento na gumanda siya ulit matapos ang maraming ‘salamat dok’ insinuating na nagpaparetoke nga ang co-star ni Beaver Magtalas sa When Magic Hurts ni Direk Gabby Ramos.

Hindi ito pinalampas ni Claudine at sinagot niya talaga ang netizen.

Aniya, sa edad niyang 44 ay wala siyang ipinagawa sa kanyang mukha kagaya ng botox o surgery.

Pero inamin naman niya na may mga procedure na rin siyang ipinagawa para sa kanyang beauty.

“I have never done any work on my face po. my body yes but proud to say st 44 never pa po ako nag pa botox or surgery except mga thermage, ulthera, hi fu at exilis po,” sey ni Claudine.

In fairness nga, ang ganda naman talaga ngayon ng aktres at pati ang netizens ay pinuri ang kanyang beauty na hindi tumatanda.

AUTHOR PROFILE