Chiz Larawan mula sa X/@SayChiz

Chiz kay Heart: ‘Tatanda ka rin’

December 9, 2023 People's Tonight 209 views

HINIRITAN ng biro patungkol sa pagiging matanda ni Senator Chiz Escudero ang kanyang partner at actress-socialite na si Heart Evangelista.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, ibinahagi ng politician ang isang larawan ng global fashion icon kung saan makikita itong nagpipinta ng handbag.

Makikita rin si Heart na may suot-suot na prescription glasses habang nagpipinta, dahilan para pagmulan ito ng biro ni Chiz sa kanyang asawa.

“Sabi ko sa’yo tatanda ka DIN eh… di lang ako,” sey ng senador kay Heart.

Ilang netizens naman ang nagbigay reaksyon sa X post ni Chiz.

“Magpa lasik kna Ms. @heart021485.”

“Haha ang cute ni hearty.”

“Dyemnmm cute haha!”

AUTHOR PROFILE