Phivolcs

Cagayan niyanig ng 4.9 na lindol

September 12, 2023 People's Tonight 208 views

ISANG magnitude 4.9 na lindol ang yumanig sa Cagayan umaga ng Martes, Setyembre 12.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang lindol bandang 1:30 ng umaga.

Nasa 16 na kilometro ang epicenter ng lindol sa kanluran ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan. May lalim na apat na kilometro ang lindol, ayon din sa PHIVOLCS.

Naitala ang Intensity II sa Laoag City, Ilocos Norte at Intensity I sa Aparri, Cagayan.

AUTHOR PROFILE