Immortal

C-drama series na ‘The Last Immortal’ mapapanood sa Viu

December 22, 2023 Ian F. Fariñas 174 views

Streaming ngayon sa Viu Philippines ang historical fantasy romance series na The Last Immortal na pinagbibidahan ng sikat na C-drama (Chinese drama) actress na si Zhao Lusi.

Sa The Last Immortal, ginagampanan ni Zhao Lusi ang karakter na si Feng Yin, isang babaeng nais matagpuan ang kanyang immortal soul.

Makikilala niya si Gu Jin, anak ng totoong bathala na ngayo’y nawalan ng kapangyarihan.

Tatahakin ng dalawa ang isang landas na puno ng pakikipagsapalaran at maging ng pag-ibig.

Si Zhao Lusi ay bumida sa hit na C-drama na Hidden Love, at nanalo rin siya ng mga award para ilang mga fantaserye gaya ng Oh! My Emperor, The Romance of Tiger and Rose and The Long Ballad.

Ang 25 anyos na aktres-singer ay ang pinakabagong It Girl ng Chinese entertainment industry dahil sa loob lamang ng anim na taon mula nang magsimula sa showbiz, nakagawa na siya ng higit sa 19 na TV dramas.

AUTHOR PROFILE