Ice

Ice, natupad ang pangarap na mangaroling

December 22, 2023 Ian F. Fariñas 187 views

Naging maaga ang Pasko para sa ilang residente ng Brgy. Tatalon dahil sa pagbisita ng singer-songwriter na si Ice Seguerra.

Hindi naging tipikal ang growing up years ng dating dala ng kanyang kasikatan noon. Dahil maraming nakakakilala at natutuwa sa kanyang pagiging bibo, hindi siya basta-basta nakakalabas at nakikihalubilo sa kapwa niya bata sa lugar nila.

“Naalala ko, para makapaglaro ako kasama ng ibang bata sa lugar namin, pinasasara ‘yung buong kalsada tapos may mga tanod na nagbabantay sa magkabilang dulo,” ani Ice, na ngayon ay 40 years old na.

Dala ng popularidad, maraming mga bagay ang hindi na-experience ni Ice at isa na rito ang pangangaroling tuwing kapasukuhan.

“Maaga kasi akong nag-artista so never ko inabot ‘yung opportunity na makapag-karoling sa mga random house, as in walk house-to-house. Kaya gusto ko talaga gawin,” banggit niya.

Kamakailan, nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Ice na makapag-karoling sa ilang piling residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City sa pamamagitan ng partnership nila ng Solmux Advance, ang upgraded solution galing sa popular brand ng gamot para sa ubo na gawa ng Unilab, Inc.

Binisita ni Ice ang mga nakatatandang sina Golden Alquiza, Fe Ocheada, Simplicia Cunanan, Erlinda Sese at Isabel Angeles at hinandugan ng mga awiting pamasko.

Lahat sila, nasurpresa sa hindi inaasahang pagdating ng celebrated OPM singer-songwriter.

Unang nagtungo si Ice sa tinutuluyan ni Lolo Golden, 63-years-old, na wala nang pamilyang kumakalinga. Ayon kay Lolo Golden, matagal na siyang iniwan ng asawa habang ang dalawa naman niyang anak ay hindi rin siya binibisita.

Bakas ang tuwa sa mukha ni Lolo Golden nang makita at marinig ang boses ni Ice.

“Masaya ako na nadalaw niya ako. Naalala ko ang mga anak ko sa kanya,” aniya.

Sunod na pinuntahan ni Ice si Lola Fe, isang stroke patient na ang ikinabubuhay ay ang paggawa ng mga basahan.

Kasama niyang namumuhay ang dalawang apo at isang pamangkin na isang breast cancer survivor. Ani Lola Fe, hindi niya naisip na posibleng madalaw siya ni Ice para kantahan.

“Napapanood ko lang siya sa TV dati, ngayon may dala pang regalo na prutas at gamot,” sey ng 71- anyos na balo.

Itinuloy ni Ice ang pangangaroling sa bahay ni Lola Simplicia, isang 76-anyos na balo.

Sa kabila ng kanyang edad at kondisyon, siya pa rin ang nag-aalaga sa 39-anyos na anak na may cerebral palsy.

Walang pagsidlan ng galak si Lola Simplicia nang matanaw kung sino ang nasa tapat ng bahay niya. “Hindi ko inaasahan na si Ice ang masisilayan ko paglabas. Sobrang saya ko,” aniya.

Samantala, ang 60-anyos na si Erlinda Sese ay sinalubong ng yakap si Ice habang naglalakad papalapit sa bahay niya.

Balot man ng lungkot dala ng trahedya ng pagkamatay ng dalawa sa kanyang mga mahal sa buhay, ang kanyang anak at asawa, malugod niyang tinanggap si Ice at nakinig sa mga awit na handog ng singer-songwriter.

Ang huling bahay na pinuntahan ni Ice ay kay Lola Isabel, isang 90-anyos na may anak ding disabled at bedridden.

Maraming anak si Lola Isabel pero may mga pamilya na ang mga ito at hirap din sa buhay.

Para may pambili ng pagkain at gamot, nangangalakal si Lola Isabel kasama ang isang anak.

Hindi nga malilimutan ng mga indibidwal at ng kanilang mga pamilya ang pagbisita at pangangaroling ni Ice pero mas naging makabuluhan ito para sa OPM hitmaker.

“Happy ako na napuntahan ko sila kasi malambot talaga ang puso ko sa mga matatanda… I see my parents in them and I wish now that they are in their twilight years, sana they could rest and enjoy life, ‘yung tipong nagwawalis na lang sila sa harap ng bahay or naghahardin,” ani Ice.

Ibinahagi rin niya ang mas malalim na kahulugan ng pangangaroling.

“My job is to sing and when you’re younger, you do it for the money. Kahit magkano, kahit barya-baya. But now, singing for people and making them happy… singing for one person and this person probably needs it the most at that particular time, it gives me purpose.”

Dagdag pa ni Ice, “I’m not really big on giving gifts and I don’t know why. But what I can give is my time and the talent that was given to me. I can share it with people and these people, sila ‘yung mga hindi nakakapanood ng gigs.

Sila ‘yung mga hindi na makalabas, so it’s nice that I can bring it to them, mas nagiging purposeful ‘yung trabaho ko.”

Bago nangaroling, nagpapagaling muna si Ice mula sa sipon at ubo na may kasamang asthma. Kaya naman masaya sya at itinuring na blessing ang kapartner niya sa activity — ang Solmux Advance dahil ito ang kilala at pinagkakatiwalaang gamot pagdating sa ubo.

Naka-recover naman siya agad at sa kabila ng pagod, nakangiti pa rin siya hanggang matapos ang pangangaroling.

“I am tired but I am happy because it’s all worth it,” ani Ice na balak nang gawin ang pangangaroling taun-taon.

AUTHOR PROFILE