Lachica Ang pilantropong si Engr. Jhun Lachica habang nagtatrabaho sa isang British company sa Dubai, UAE.

“Bulabog Malasakit”sumama sa pagtatanim ng 500 seedlings

June 17, 2024 Christian D. Supnad 138 views

ORION, Bataan — Ang Bulabog Malasakit, isang non-government organization na naka-base sa Bgy. Gen. Lim, Orion, Bataan ay boung pagmamalaki na sumama sa tree planting event nitong weekend sa Brgy. Diwa Pilar, Bataan, sa likuran mismo ng historic Mt. Samat Shrine, bilang bahagi ng greener environment program ng pamahalaan.

Umabot sa 500 seedlings ang naitamin ng grupo na boluntaryong nagdala ng kani- kanilang seedlings.

Bagamat nasa Dubai, si Engr. Jhun Lachica, Bulabog Malasakit chairperson, ang siyang nag-initiate sa kanyang grupo para suportahan ang naturang event.

“Engr. Lachica’s leadership and vision ensured that Bulabog Malasakit played a crucial role in this meaningful cause,” anang kanyang statement.

Kilala bilang pilantropo dahil sa patuloy na pagtutulong niya sa mga mahihirap at mga may sakit, sinabi ni Engr. Lachica na “this significant initiative was organized by the dedicated efforts of Mr. Michael Enriquez, Engr. Alpha Rosanes, Engr. Jonathan Dinglasan, and Engr. Kim Louie Ramos.”

“We extend our heartfelt gratitude to these passionate leaders for spearheading this impactful event. Their commitment to nurturing our environment and fostering a greener future is truly commendable,” paliwanag ni Engr. Lachica

Pinasalamatan din ni Lachica ang grupo na sumuporta gaya ng Padyak B.A.K.A.T, Bangad Vegetable and Rice Growers Organization, Inc., Banggi Food House, at CRS-REACT Bataan React Phils.

“At Bulabog Malasakit, we are deeply committed to supporting such initiatives. We believe that by working together, we can make a substantial difference for our mother earth. This tree planting event is a testament to our collective dedication to preserving and enhancing our natural surroundings,” dagdag pa ni Lachica.