
Buboy inilantad ang anak sa bagong karelasyon
TWENTY-seven-year-old Kapuso actor and content creator Buboy Villar is now a father of three matapos nitong i-reveal ang kanyang bagong karelasyon at bagong anak na baby boy, ang four-month old na si Kyrie sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Krizza Mae `Isay’ Sampiano na nagtapos ng Library and Information Science sa City College of Pampanga.
Ang actor ay may dalawa nang naunang anak sa kanyang American ex-girlfriend na si Angillyn Gorens na sina Vlanz Karollyn (7) at Michael George (5).
Sina Buboy at Angillyn ay nagkakilala nung 2015 sa set ng “Half Sisters” TV series ng GMA. Since then ay halos inseparable na ang dalawa hanggang sa sila’y magsama at magkaroon ng dalawang anak. Pero nung taong 2018 ay nagkahiwalay ang dalawa nang mag-desisyong bumalik ng Amerika si Angillyn para mag-trabaho pero nanatiling magkaibigan ang dalawa hanggang ngayon dahil na rin sa kanilang dalawang anak na ang panganay na si Vlanz ay isa nang American citizen habang inaayos pa ni Angillyn ang documents ng kanilang bunsong anak na si George Michael.
Sa isang panayam, inamin ni Buboy na kung sinuman ang kanyang bagong makakarelasyon ay kailangang tanggapin at mahalin din ang dalawa niyang anak para hindi umano sila magkaroon ng problema at aware umano rito ang kanyang bagong partner na si Isay.
Bago ang kanyang present partner na si Isay, naghintay din si Buboy ng pagkakataon na mabuong muli ang kanilang pamilya with Angillyn pero may iba na umanong buhay sa Amerika ang dati niyang karelasyon kaya nag-desisyon ang actor na mag-move on na rin. Bukas pa rin umano ang komunikasyon nila ni Angillyn dahil sa mga bata.
Hot mommas ‘di nagpatalbog sa mga mas bata
HINDI nagpakabog ang tatlong `hot mommas’ na sina Sunshine Cruz (47), Ina Raymundo (49) at Priscilla Meirelles (41) sa mga young stars and popular celebrities na rumampa sa hit Bench’s Body of Work 2025 na ginanap sa SM MOA Arena nung nakaraang Biyernes ng gabi, March 21. Ipinakita ng tatlong certified moms na may karapatan pa rin silang makipagsabayan sa mga kabataan kahit malalaki na ang kanilang mga anak.
Sunshine has three grown-up daughters sa kanyang ex-husband, ang actor, director at film producer na si Cesar Montano, Ina has five children sa kanyang Canadian businessman husband na si Brian Poturnak habang may isang anak naman ang Brazilian model at dating beauty queen na si Priscilla sa kanyang (ex?) husband, ang actor na si John Estrada.
Although may asawa na si Lovi Poe (34), ang L.A.-based British film producer and businessman na si Monty Blencowe, napakaganda pa rin ng katawan nito at dadaigin nito ang ibang female celebrities who are much, much younger than her.
Tiyak na super proud ang current boyfriend ni Sunshine, ang controversial businessman na si Atong Ang. Kasabay ding rumampa ni Sunshine sa nasabing major fashion event ang panganay nila ng kanyang dating mister na si Cesar na si Angelina Isabele.
Sobra pa ring daring ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca (37) sa pagsusuot ng under wear (brief) sa kanyang pagrampa.
Tinilian nang husto ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo na siyang pinaka-finale gayundin sina Alden Richards, Joshua Garcia, David Licauco at iba pa.
Kathryn at Alden hindi nagpansinan
SAMANTALA, hindi umano nagpansinan sa naturang event ang lead stars ng record-breaking movie na “Hello, Love, Again” na sina Kathryn at Alden. May problema ba ang dalawa? Marami rin ang nakapansin na mukhang magandang pagsamahin sa isang proyekto sina Kathryn at Joshua Garcia gayundin sina Kathryn at David Licauco.
Close na magkaibigan sina Kathryn at Joshua habang si David naman ay bukas sa kanyang paghanga kay Kathryn gayundin sa dating tambalan nila ni Daniel Padilla.
Kathryn can stand on her own kahit sino ang ipareha sa kanya.
Samantala, sa pag-akyat sa entablado ni Ben Chan (kung saan hango ang brand na Bench), ang big boss ng Bench, magkasunod ding umakyat ang dalawang popular couples na sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Unknown to many, si Richard ang unang signature model ng Bench na siyang nagsimula ng malalim nilang pagkakaibigan ni Ben Chan hanggang ngayon. Naging model din ng Bench si Lucy Torres gayundin ang mag-asawa na ngayong sina Dingdong at Marian.
Ang katatapos pa lamang na Bench Body of Work 2025 ay senyales ng muling pagbabalik ng popular clothing line sa rampa.
Kathryn magti-29 na pero ‘di pa rin nahahanap ang true love?
NGAYONG Miyerkules, March 26 ay 29th birthday ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo at dito malalaman kung muling babati at magpapakita ang Kapuso prized actor na si Alden Richards.
Kung matatandaan pa, sinorpresa ni Alden si Kathryn sa beach birthday party nito sa Palawan nung isang taon na sinundan ng isang intimate birthday celebration. Doon nabuo ang espekulasyon ng marami na nanunuyo ang Kapuso actor sa ex-girlfriend ni Daniel Padilla.
But just when everybody thought na may romantic relationship na ang dalawa, biglang nanlamig ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.
Ngayong naudlot ang panliligaw ni Alden kay Kathryn, pagkakataon na rin kaya ito ni Daniel na muling suyuin ang dating kasintahan?
Sa ngayon, naka-focus si Kathryn sa si tinatawag niyang `self-love’ lalupa’t nakakaramdam umano siya ng tinatawag niyang `quarter crisis’ sa kabila ng kanyang pagiging matagumpay pagdating sa kanyang career at mga itinayong negosyo.
Mukhang hindi pa talaga natatagpuan ni Kathryn ang tunay na pagmamahal ng isang partner.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.