
Pa-pwet ni EA ikinaloka ni Shaira
Naloka nang bonggang-bongga si Shaira Diaz sa pagpapasilip ng pwet ng fiancé niyang si EA Guzman sa katatapos lamang na fashion show ng isang kilalang apparel brand.
Sa kanyang Facebook page ay nirepost ni Shaira ang video ng pagrampa ni EA kung saan ay makikita na nakasuot ng purple underwear ang aktor at bakat na bakat ang private part nito.
Caption ni Shaira, “NALOKA AKO SIZ.”
But wait, there’s more dahil nga viral na ang video ng pagrampa ni EA kung saan pagtalikod niya sa audience ay bigla niyang ibinababa ang underwear at ipinakita ang kanyang pwet.
Sa sumunod na FB post ni Shaira ay inamin niya na in shock siya sa ginawa ng future hubby.
“Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko alam na ng lahat itsura sus ginoo! Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!” pahayag ng Kapuso actress.
Nirepost din ni Shaira ang naturang ‘pasilip ng pwet’ video at pabiro niyang tinalakan si EA.
It turned out na hindi raw sinabi sa kanya ng fiancé ang gagawing paghuhubad.
“PWETMALU KA EA Guzman lintek na yan! Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas, tanong ko pa sa FD, “bakit nagtilian? Si EA ba yun?? Ano ginawa??…*nagpakita daw* syempre ako *HA??*” kwento ni Shaira.
Patuloy pa ng aktres, pagbalik sa backstage ay tinanong niya si EA kung ano ang ginawa nito sa stage at nagtilian ang audience. Ngumiti lang daw ang aktor.
“ABA AYON PALA GINAWA. MAGALING,” sey ni Shaira.
Sa comment section ay positibo naman ang pagtanggap ng netizens sa ‘pa-pwet’ ni EA.
Sey nga nila, nagpaka-professional lang ang aktor. Marami rin ang humanga sa makinis na pwet nito.
Nilinaw naman ni Shaira sa comment section na suportado niya all the way ang soon-to-be husband.