Break up nina Pokwang at Lee di sinabi ang dahilan

July 10, 2022 Aster Amoyo 548 views

ANG (dating) entertainment writer, talent manager and YouTuber na si Ogie Diaz ang unang nagbalita na hiwalay na umano ang longtime partners na sina Pokwang at American actor na si Lee O’Brian as early as November 2021 na personal namang kinumpirma mismo ng singer-actress-comedienne.

Ayon kay Pokwang who is Marietta Subong in real life, maayos umano silang nagkahiwalay ni Lee pagkatapos ng kanilang pitong taon relasyon. Katunayan, malaya umanong nadadalaw ng American actor ang kanyang anak kay Pokwang na si Malia (4).

Walang sinabing dahilan ang singer, actress-comedienne kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sina Pokwang at Lee ay unang nakalapit sa isa’t isa nang gawin nila ang pelikulang “Edsa Woolworth” nung 2014 sa Amerika kung saan si Lee ang tumayong leading man ng komedyana. It was in January 2015 nang magkaroon ng presscon sa Pilipinas hosted by ABS-CBN at dumating sa Pilipinas ang American actor.

Ang trip sa Pilipinas ni Lee ang naging daan para lalo nilang ma-discover ang isa’t isa hanggang mag-desisyon na silang magsama sa iisang bubong.

Bago lumabas ang kanilang daughter na si Malia ay nagka-miscarraige ang singer-comedienne.

Samantala, napansin ng mga followers ni Pokwang na hindi na umano nito ginagamit ang brand na Pok-Lee sa kanilang food business at ginawa na umano itong Manang Pokwang, isang indikasyon na tinapos na nila ang kanilang partnership maging sa kanilang itinayong negosyo. Pero alam naman ng marami na walang stable income si Lee at si Pokwang ang bumubuhay sa kanyang pamilya.

After being with ABS-CBN for sixteen years, si Pokwang ay lumipat sa APT Entertainment sa loob ng isang taon (2020-2021) pero ngayon ay nasa pangangalaga na siya ng GMA Artist Center since last year.

Rose Van

Nakagugulat ang tapang ni Rose Van

BABAE ang director ng “Kitty K-7” na si Direk Joy Aquino sa isang Vivamax adult movie na pinagbibidahan nina Rose Van Ginkel at Filipino-Italian actor at dating PBB teen housemate na si Marco Gallo.

Direk Joy was tapped by directors-producers, ang engaged couple na sina Direk Dan Villegas at writer-director na si Antoinette Jadaone to direct “Kitty K-7” na sinulat ni Pam Miraz mula na totoong kuwento ng cam-girl na si Salome Salvi.

Since naging baguhan din naman sila noon, gusto rin ng engaged couple na magbigay ng break sa mga baguhan pero may potential na maging magaling na director tulad ni Direk Joy.

Marami naman ang ginulat ni Rose Van sa kanyang pagiging matapang na gampanan ang role ni Hana na isang cam girl which she considers a profession.

“Kitty K-7” is Rose Van’s movie and she was able to give justice to the role na hiningi sa kanya ng kuwento at ng director kaya pare-parehong masaya sina Direk Joy, Direk Dan at Direk Antoinette na kinalabasan ng pelikula na napapanood na on Vivamax streaming app simula nung July 8.

Direk Joey may nakikitang pag-asa sa pelikulang Pinoy

ANG pelikulang “Secrets” na pinagbibidahan ng 2019 Miss Philippine Earth-turned sexy star na si Janelle Lee ang first directorial job ng award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes sa streaming app ng Vivamax. At natutuwa siya na agad nagustuhan ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario ang kanyang unang attempt na magdirek para sa ibang platform. Dahil dito, lumagda ang veteran writer-director ng multi-picture contract with Viva at kasama na rito ang ibang projects na siya ang magpu-produce for Viva using new directors para makatulong sa mga aspiring filmmakers.

Last Saturday morning, nagkaroon ng story conference ang first series na gagawin ni Direk Joey for Vivamax, ang “Katawang Lupa” na muling pinagbibidahan ni Janelle Lee kasama sina Rob Guinto at Migs Almendras together with CJ Aravata, Guji Lorenzana, Micaela Raz, Azi Acosta, Axel Torres, Greg Hawkins at Rolando Inocencio.

Nagpapasalamat ang award-winning writer at filmmaker na naka-adapt na rin siya sa bagong henerasyon maging sa bagong plataporma ng pagpapalabas ng mga pelikula bukod sa mga sinehan.
Gayunpaman, malaki pa rin ang pag-asa ni Direk Joey na babalik din ang sigla ng industriya maging ang panonood ng mga tao sa mga sinehan sa kabila ng iba’t ibang streaming apps.

AbeAbe1

Pagkamatay ni Abe nakagugulat

Hindi lamang ang mga Japanese nationals, mga leaders ng iba’t ibang bansa throughout the world ang nabigla, nalungkot at naapektuhan sa assassination ng pinakamatagal na naging Prime Minister ng Japan na si Shinsho Abe last July 8 kundi maging ang maraming Japan-based Filipinos na nasaksihan ang mahusay na pamumuno nito during his time at pagiging mabait, humble, friendly at down to earth sa kabila ng kanyang posisyon.

Si former PM Abe ay binaril ng isang lone gunman habang itong nagde-deliver ng kanyang speech. Agad din namang nahuli ang assailant na isa ring Japanese national.

Kapamilya stars iikot sa Amerika

SINA Zanjoe Marudo at Kim Chiu ang tatayong mga senior stars ng Star Magic along with singer-comedian na si Eric Nicolos kasama ang young set of stars na magkakasama-sama sa three-city US tour sa darating na August 6, 12 & 14, 2022 na magsisimula sa The King’s Theater in Brooklyn, New York City, USA. Ito’y susundan on August 12 sa The Warfields in San Francisco, California at ang third leg ay sa Saba Theater in Beverly Hills, Los Angeles, California. Makakasama sina Zanjoe at Kim ang magka-love team na Donny Pangilinan at Belle Mariano, Alexa Ilacad at KD Estrada, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Charlie Dizon, AC Bonifacio, Liam Kaila, Sab at Angela Ken.

Although ang iba sa kanila ay nakarating na sa nasabing mga lugar, excited ang lahat dahil first time nilang magkasama-sama sa isang trip and series of shows.

Ito bale ang first series of shows ng Star Magic talents after the pandemic.

Ito’y bukod pa sa hiwalay na series of shows nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez, ang “Iconic” maging ang series of concerts ni Vice Ganda gayundin ang “The Heartthrobs” nina Piolo Pascual at Sam Milby sa iba’t iba ring lugar ng Amerika.

Bumabawi ang mga stars at iba’t ibang talents ngayon matapos silang mahinto sa pagkakaroon ng shows abroad dahil sa pandemic.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE