Annabelle

Annabelle, idinadawit sa sagutang Ruffa-Guanzon

July 10, 2022 Ian F. Fariñas 444 views

NA-CURIOUS ang netizens kung ang ginawang pagbati ni Ruffa Gutierrez sa mga Muslim nitong selebrasyon ng Eid al-Adha ay pasaring din kay dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Matatandaan na ayaw paawat ni Guanzon sa pagti-tweet kay Ruffa matapos ang isyu sa mga pinalayas umanong maid na dinenay agad ng aktres.

Ayon kay Ruffa, na gumaganap bilang si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa Viva Films movie na Maid in Malacañang, wala siyang sinesanteng mga katulong gaya ng tweet ng dating commissioner.

Matapos ang paglilinaw na iyon ni Ruffa sa tweet ni Guanzon, sumagot pa ang huli at sinabing, “That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman.’ Hahaha! You call me cong or I will call u something else. Sige ka,” sabay lagay ng hashtag na #Bardagulan.

Hindi na nag-comment si Ruffa sa tweet pero nag-post nga ng pagbati sa mga Muslim: “The beautiful thing about life is that you can always change, grow and get better. You aren’t defined by your past. You aren’t your mistakes.

“Bayraminiz Kutlu Olsun and Happy Eid al-Adha to my Muslim brothers & sisters across the world. Let’s spread love and peace, not hate and fake news.”

Hinihintay ng netizens kung tototohanin ni Guanzon ang tweet niyang #bardagulan laban kay Ruffa kapag hindi siya nito tinawag na “congresswoman.”

Sa isang sikat na Facebook page naman, pati pangalan ng ina ng aktres na si Annabelle Rama, nadawit na sa kontrobersiya.

Hindi raw kaya makatikim ng resbak ni Tita Annabelle si Guanzon kapag hindi tinigilan si Ruffa?

Anyway, tapos na ngang mag-shooting si Ruffa para sa Maid in Malacañang, kung saan kasama niya sa cast bilang dating First Family sina Cesar Montano, Ella Cruz, Diego Loyzaga at Cristine Reyes.

Sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo naman ang gumaganap sa papel ng mga maid sa Malacañang.

Sa laki ng project, naurong ang playdate nito mula July 20, eh, naging August 3 na ang world premiere.

Mula sa direksyon at panulat ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap, ito ay co-production venture ng Viva Films at VinCentiments.

AUTHOR PROFILE