Derek

Brand new Bentley SUV ang regalo ni Derek kay Ellen sa wedding anniversary

September 9, 2022 Aster Amoyo 330 views

MATAPOS i-post ng actress at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang unang picture na kuha sa bahay ng actor-businessman na si Derek Ramsay kung saan unang nakita na magkasama sila ni Ellen Adarna (kasama rin sa picture si Ruffa, ang actor na si John Estrada at kuha `yun sa dinner nila nung January 11, 2021), in less than a month on February 4, 2021 ay naging magkasintahan na sina Derek at Ellen. And on March 30, 2021 ay nag-propose na ng marriage ang actor sa kasintahan na sinundan ng kanilang pagpapakasal nung November 11, 2021 sa Rancho Bernardo Luxury Villas in Bagac, Bataan.

Sa darating na November 11, 2022, Derek and Ellen will be celebrating their first wedding anniversary. Pero bago pa man dumating ang nasabing petsa ay niregaluhan na ng actor-businessman ang kanyang misis ng isang brand new Bentley SUV car.

Samantala, pansamantalang naka-suspend ang kontrata ni Derek sa GMA upon his request dahil gusto muna niyang mag-focus sa kanyang buhay may asawa at sa kanyang mga negosyo. Pero hindi umano ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tatalikuran ang pag-aartista.

Ken

Ken ipinagtapat ang dahilan bakit hindi sila nagkatuluyan ni Rita

AT age 29, Kahanga-hanga ang Kapuso singer-actor na si Ken Chan na isa nang successful businessman.

Ken was only four years old when his father, Allan Chan, isang pure Chinese national and a naturalized Filipino citizen was diagnosed with kidney problem. He underwent kidney transplant in 2007 and in 2018, na-discover na meron siyang cancer sa esophagus, stage 2B.

Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama, Ken took over as the head of the family, him being the eldest in a brood of three, all boys. Ang dalawa pa niyang younger brothers ay sina Mark at York.

Si Mark ay may asawa’t isang anak na si Lucas habang si York (16) ay first year college at nag-aaral ng business management sa De La Salle’s College of St. Benilde at si Ken ang nagpapaaral dito.

Hiwalay na rin ang parents ni Ken kaya siya na ang tumatayong padre de familia.

Since kaya na ni Ken, he gifted his mother with a brand new car para ito’y malibang kasama ang kanyang mga kaibigan.

Unknown to many, Ken is a very successful businessman with ten gasoline stations (i-Fuel) with his business partners at limang café restaurant, ang kanyang baby na Café Claus with five branches na kanya lamang sinimulan nung December 26, 2021.

Ken credits his business talent from his father who used to be a businessman nung ito’y wala pang sakit. Pero ang kanyang determination na mag-succeed in whatever he does ay nasa pagkatao na rin mismo ng Kapuso singer-actor who is a very responsible son to his parents and brother to his younger siblings. He also provided his family a beautiful house in one of the subdivisions in Tandang Sora in Quezon City.

The singer-actor admits na loveless pa rin umano siya at this time. Hindi umano ito ngayon ang kanyang priority kundi ang kanyang showbiz career at ang kanyang mga negosyo.

Personal na inamin sa amin ni Ken na kamuntik umano na maging sila ng singer-actress na si Rita Daniela. They cared for each other pero hindi pa umano siya handa na magkaroon ng sariling pamilya. Si Rita naman on her part ay gusto nang magkaroon ng anak.

When Rita got pregnant (sa kanyang non-showbiz boyfriend ngayon), hindi niya ito inilihim kay Ken. Sa halip na masaktan ay natuwa siya sa kanyang (dating) ka-loveteam dahil nakita niya kung gaano kasaya ang singer-actress na malapit nang maging isang ganap na ina na pinapangarap nito.

Isang technical guy ang ama ng magiging baby ni Rita.

Given the choice, gusto ni Ken na makahanap siya ng isang simple non-showbiz girl, God-centered and family-oriented and would understand and support his line of work.

Sa darating na January 17, 2023, Ken will celebrate his 30th birthday pero wala pa umano sa kanyang immediate plans ang pag-aasawa.

“When I settle down, gusto ko na handang-handa na ako 100%,” pahayag pa niya.

“Maybe when my brother York is done with college,” aniya.

“Marami pa akong gustong gawin bago ako bumuo ng sariling pamilya,” dugtong pa ng Kapuso actor.

Queen1PrincePrince1

Queen Elizabeth II namayapa na

QUEEN Elizabeth II, the longest-reigning British monarch (over 7 decades) died peacefully sa kanyang Balmoral Castle at age 96 nung nakaraang Huwebes, September 8, 2022 (Mama Mary’s birthday) which ascends her eldest son Prince Charles (73) to being the King with his eldest son, Prince William to be the next in line.

Queen Elizabeth had her last public appearance last Tuesday, September 6 before she was put under medical supervision up to the time of her death on September 8.

Queen Elizabeth II will be laid to rest next sa kanyang namayapang husband of 73 years na si Prince Philip, Duke of Edinburgh (na sumakabilang-buhay nung April 2021) at King George VI Memorial Chapel at Windsors Castle ng St. George Chapel.

Ang mga labi ni Prince Philip ay pansamantalang nakalagak sa Royal Vault ng St. George’s Chapel at saka ito ililipat kasama ang mga labi ni Queen Elizabeth II on same chapel.

The chapel was named after the late queen’s father and was built in 1969 at kung saan din nakalagak si King George VI at Queen Elizabeth, The Queen Mother at si Princess Margaret.

Bukod sa panganay ni Queen Elizabeth II, ang ngayon ay si King Charles III, naiwan din ng British queen ang iba pa niyang mga anak na sina Prince Andrew, Duke of York, Anne, Princess Royal at si Prince Edward, Earl of Wessex and their respective families.

Sina Prince William at Prince Harry, ang dalawang anak ni King Charles sa kanyang namayapang asawang si Diana, Princess of Wales ang mga panganay na apo ng yumaong reyna.

Si Prince William ang susunod sa trono ng kanyang amang si King Charles III.

Bukod sa British Prime Minister na si PM Liz Truss, agad nagpaabot ng pakikiramay ang iba’t ibang leaders of the State na pinangunahan ni US President Joe Biden and his First Lady na si Jill Biden.

Si US President Joe Biden signed the condolence book at the British Embassy in Washington in the presence of First Lady Jill Biden at UK Ambassador to the US na si Karen Pierce.

Ang buong mundo ay nagluluksa sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Inaasahan ding lilipad patungong London ang US-based nang mag-asawang Prince Harry, Duke of Wessex at Meghan Markle, Duchess of Wessex kasama ang kanilang dalawang anak na sina Archie Harrison Mountbatten-Windsor SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE