Default Thumbnail

‘BLACK PROP?’

March 31, 2024 People's Journal 99 views

KINONDENA ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang resulta ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing mayorya ng mga Pilipino ang tutol sa pag-amyenda ng Konstitusyon.

Hinala ng mga mambabatas ang survey ay bahagi ng black propaganda na naglalayong pahinain ang isinusulong na pag-amyenda ng restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Nagkakaisa din sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City, Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, at Deputy Majority Leader Janette Garin ng Iloilo na hayaan na ang mga Pilipino ang magpasya kung kailangan na bang amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang plebisito.

Ang reaksyon nina Dalipe, Suarez at Garin ay kaugnay sa ginawang survey ng Pulse Asia na nagsasabing 74 porsyento ng mga respondent ang naniniwalang hindi napapanahon at hindi dapat amyendahan ang Saligang Batas.

Duda rin ang mga mambabatas sa integridad at layunin ng survey, laloโ€™t kabilang sa mga tanong ay hindi naman kasali sa isinusulong sa Kongreso.

Binatikos ni Dalipe ang pagkakasingit ng mga tanong na walang kaugnayan sa isinusulong na economic Charter reform, gaya ng pagpapalawig sa termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno, pagbabago ng uri ng pamamahala mula sa presidential system patungong parliamentary system, at paglipat mula bicameral sa unicameral legislature.

Tanong pa ni Dalipe: “Why include questions that people don’t want and are not related to the ongoing process in Congress? Is this black propaganda?”

Ang resulta ng survey ay inilabas isang linggo matapos pagtibayin ng Mababang Kapulungan ang Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7), na layong amyendahan ang ilang probisyon sa Konstitusyon na may kinalaman sa public utilities, edukasyon at advertising.

Ang RBH 7 ay ipinadala na rin ng Kamara sa Senado. Ang kaparehong resolusyon, RBH 6, ay tinatalakay pa sa subcommittee level ng Senado.

Inihayag din ni Suarez ang pagkadismaya nito sa resulta ng survey na tila isang pagtatangka na hadlangan ang proseso ng reporma sa Konstitusyon.

“Including unrelated questions in the survey only serves to confuse and mislead the public,” ayon pa kay Suarez, kasabay na rin ng kanyang panawagan na magkaroon ng patas na pamamaraan sa paggawa ng survey.

Dismayado rin si Garin sa resulta ng survey na aniyaโ€™y tila pagtatangka na impluwensyahan ang opinyon ng publiko.

โ€œSurveys should reflect the real concerns of the people, not push a particular agenda,โ€ aniya. โ€œDapat ding taglay ng survey ang wasto at makatotohanan na mga paksang tinalakay sa Kongreso,โ€ ayon pa kay Garin.

Naniniwala naman si Dalipe na ang pinaka-epektibong pagsukat ng public opinion tungkol sa Cha-cha ay sa pamamagitan ng plebisito at hindi sa pamamagitan ng survey.

โ€œThe best course of action is to pass it in the Senate and let the people decide through a plebiscite,โ€ ayon naman kay Suarez.

โ€œThe peopleโ€™s voice should be heard directly through a plebiscite, not through biased surveys,โ€ dagdag pa ni Garin bilang pagsang-ayon sa mga kasamang mambabatas.

AUTHOR PROFILE