
Binatilyo ‘nilulon’ ng Bulacan river
ISANG 14-anyos na batang lalaki ang nalunod noong Huwebes habang lumalangoy sa ilog sa Sta. Maria, Bulacan.
Kinilala ni PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang biktima na si Raymart Antid, ng B9 L4, Harmony Hills 3, Bgy Loma De Gato, Marilao, Bulacan.
Ayon sa pulisya, may dalawa pang kasama ang biktima na pumunta sa Santa Maria River para lumangoy.
Pero aksidenteng napunta ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog dahilan para malunod ito.
Pinilit ng Santa Maria police at Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na iligtas ang biktima pero bigo nabigo ang mga ito.
Natagpuan ang bangkay ng bata kalaunan at dinala sa punerarya sa Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan.