Posas

55-anyos timbog sa gahasa ng Grade 2

August 19, 2023 Jojo C. Magsombol 204 views

KAMPO Heneral Miguel Malvar, Batangas–Bagsak sa kamay ng mga pulis ang isang suspek sa panghahalay sa San Pascual, Batangas noong Miyerkules.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Carlito M Gaces, kinilala ang 55-anyos na suspek ng Bgy. Cultihan, Taal, Batangas.

Base sa report, nangyari ang panghahalay sa isang grade 2 student na babae noong Agosto 21, 2017.

Naaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Taal Municipal Police Station (MPS), ang lead unit sa operasyon, kasama ang RIU4A, PIT RID4A-RIT Batangas, 403rd A MC, RMFB 4A, PIU-Batangas at 2nd BPMFC bandang alas-10:50 ng umaga noong Agosto 16, 2023 sa San Pascual, Batangas.

“Akoy nagpapasalamat at pinaparangalan ang ating mga operatiba na walang tigil na nagtatrabaho upang patuloy na tugunan ang aking hamon na linisin ang ating probinsya ng mga wanted persons,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE