Default Thumbnail

Binata nilamon ng dagat sa Nasugbu

May 23, 2023 Jojo C. Magsombol 418 views

ISANG 19-anyos na binatang estudyente na taka-Makati ang nalunod habang naliligo sa dagat ng Sitio Hulo, Barangay Calayo, Nasugbu, Batangas, Linggo ng tanghali.

Dakong alas 11:30 ng tanghali (Mayo 21) nang makatanggap ang police radio operator ng tawag mula sa isang residente ng nasabing barangay tungkol sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, bandang alas-5 ng hapon noong Mayo 20, ang biktima, kasama ang pamilya nito ay nagtungo sa Sitio Hulo sa Bgy. Calayo upang maligo sa dagat.

Habang naliligo ang grupo napansin umano nila bandang alas-7 ng gabi na ang binata ay wala sa kanilang kapaligiran.

Hinanap ng nasabing pamilya ang nawawalang kasama hanggang umabot ng alas-6 ng umaga ng sumunod na araw, Mayo 21. Natagpuan ng mga sumaklolong civilian rescuer ang biktima na wala ng buhay sa karagatan ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay tinangay diumano ng malalaking alon habang naliligo sa malalim na bahagi ng dagat umano at sinawimpalad na nalunod.

Ang bangkay ng binata ay dinala sa St. Peter Funeral Homes para sa kaukulang awtopsiya ng mga awtoridad.

AUTHOR PROFILE