Default Thumbnail

Tag-ulan pinaghahandaan ng Bataan

June 23, 2024 Christian D. Supnad 301 views

BATAAN–Dumalo bilang chairperson si Gov. Joet Garcia sa 2nd Quarter Full Council Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Crown Royale Hotel sa pangunguna ng PDRRMO head na si Mr. Arvin Catipon para talakayin ang mga paghahanda para ngayong tag-ulan.

“Ito po ay ginanap bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan na kung saan idineklara na nagsimula na.

Kabilang sa mga inilahad na paghahanda ng PDRRMO ang iba’t-ibang training at seminar ukol sa mga dapat gawin sa oras ng kalamidad o sakuna,” paliwanag ni Gov Garcia.

Inilahad din ng PDRRMO ang kanilang Accomplishment at Fund Utilization Reports; mga progreso sa mga programa katulad ng Gawad Kalasag at Barangay Resilience Bingo Scorecard; at mga darating pang mga aktibidad patungkol sa Disaster Risk Reduction and Management.

Dinaluhan ang pulong ni Vice Governor Cris Garcia, iba’t-ibang opisina ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan at ng PNP, BFP, MBDA, DPWH, BPSU at mga MDRRMOs.