Default Thumbnail

Binabatirya si DOTr Sec. Jimmy Bautista!

May 15, 2023 Marlon Purification 225 views

Marlon PurificationMAY dahilan para mangamba ang may 5.2 million motorista na maaapektuhan sakaling maubos na ang ‘buffer stock’ ng mga plastic IDs ng ating mga drivers license.

Pangit naman talaga tingnan na ang ating mga lisensiya ay nakalagay lang sa isang papel na madaling mabasa o mapunit.

Paliwanag ni Land Transportation Office (LTO) chief Jose Arturo Tugade, kaya hindi sila makapag-conduct agad ng bidding para sa P836M worth na bagong kontrata sa driver’s license dahil naglabas ng Special Order si DOTr Secretary Jimmy Bautista na ang lahat ng bidding at transaksiyon na hihigit sa P50 million ay kailangan munang dumaan sa central bids and awards committee (CBAC) ng naturang departmento.

‘Streamlining at good governance,’ ang layon nito upang maiwasan na rin ang agam-agam na sinisindikato ang bidding sa LTO.

Huwag nating kalimutan na ang LTO mula noon hanggang sa mapasailalim ito sa pamamahala ni dating DOTr Sec. Art Tugade na tatay ng kasalukuyang LTO chief ay batbat ng intriga sa korapsiyon.

Kung Top 1 and Top 2 ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue, malamang ay nag-aagaw sa Top 3 position ng pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan ang LTO at ang Bureau of Immigration, gayundin ang DPWH at Department of Agriculture!

Billang tugon sa posibleng kakulangan ng imprenta ng drivers license card, nakipag-ugnayan agad si Sec. Bautista kay National Printing Office (NPO) director Charlie Bathan na nangakong mag-iimprenta ng limang milyong plastic drivers license card sa loob lamang ng 60 na araw.

Dahil dito, wala nang dahilan pa para mag-aalala ang mga kapwa ko motorista.

Antayin na lang natin dahil sa mga susunod na linggo ay magkakaroon na ng bidding upang malaman kung sino ang karapat-dapat na makakuha ng multi-million peso contract sa pag-iimprenta ng plastic na ID card ng ating mga lisensiya.

Sa unang tingin ay parang walang ginagawang tama ang DOTr na aksiyunan ang problema sa LTO.

Pero kung nanamnamin natin ng husto ang pamamahala ni Sec. Bautista, masasabi nating nasa tamang daan siya sa paglinis sa naturang ahensiya.

Talaga lang may mga bugok sa pamahalaan na pilit sinisira ang liderato ni Bautista na kilalang sa corporate world bilang mahusay, matalino, masipag, tapat at magaling na ‘manager.’

Siguro’y hindi umuubra sa kanya ang kalokohan ng mga mokong na ‘to. Kaya iyong iba, nakaabang kung paano siya papalpak sa puwesto.

Tingin ko pa, isa rin sa pumapaypay sa isyu ang ilang sindikato sa naturang ahensiya na naaapektuhan ngayon sa ginagawang paglilinis ni Bautista.

Ang balita ko nga, marami ang umaasam są puwesto ng dating presidente ng Philippine Airline (PAL) kaya kung anu-anong isyu at pananabotahe ang ginagawa sa kanya.

Sabagay, normal lamang kasi talaga ito lalo’t maraming tao są pamahalaan ang ayaw tumino at lumagay są tama.

Sa ganang akin, walang masama sa ginagawang paglilinis ni Sec. Bautista.

Dapat lang na hindi niya intindihin ang mga bumabatirya sa kanya dahil alam ng lahat na ang ginagawa niya ay para sa wastong pagbabago at tamang pamamahala sa gobyerno.

Normal lamang ang pagpalag ng ilan kung may ginagawang pagbabago. Pero iyong iba talaga ay ayaw ng pagbabago dahil mnaapektuhan ang kanilang sariling interes at negosyo.

Ika ‘nga sa salitang ingles, “People don’t resist change. They resist being changed!”

Keep up the good work po, Sec. Bautista, Sir!