Billy

Billy may resibo ng performance sa Paris

November 6, 2024 Jun Nardo 379 views

BUHAY na buhay si Billy Crawford. Nandito na siya sa bansa at healthy!

Ito ang naging pahayag ng Viva Artists Agency (VAA), ang management team ni Billy.

Naglabasan kasi sa TikTok ang vdeos na diumano’y patay na si Billy. Kaya naman inalmahan ito ng VAA.

Ayon sa VAA, galing sa Paris, France si Billy para maging isa sa performers sa isang show doon. May resibo pa nga siyang behind the scenes video kasama ang ibang performers, huh!

Kasalukuyang isa sa coaches sa “The Voice Kids” ng GMA si Billy, kung saan nagbabakbakan sa final round ang mga napiling bata.

MAVY MASAYA PARA KINA KYLINE AT KOBE

HAPPY na rin si Mavy Legaspi kung happy si Kyline Alcantara kay Kobe Paras, ayon sa pahayag niya sa isang interview.

Shortlived ang naging relasyon nina Mavy at Kyline nang magsama sila sa isang noontime show.

Pero bago ang hiwalayan, kung anu-anong negatibong dahilan ang ipinukol sa hiwalayan nina Mavy at Kyline, huh!

Ngayon, super ligaya ni Kyline sa piling ni Kobe na alagang-alaga siya habang wala pang nababalitaang babaeng malapit kay Mavy.

AUTHOR PROFILE