Coco1

Dalawa diumanong anak nina Coco at Julia kailan daw ilalantad?

November 7, 2024 Aster Amoyo 140 views

CocoMARAMI ang nagtatanong kung kelan raw kaya ipakikita at ipakikilala ng longtime partners na Coco Martin at Julia Montes ang sinasabing dalawa nilang anak?

It took Coco 12 years para aminin ang tunay na relasyon nila ni Julia. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaasa na mapupunta sa kasalan ang matagal nang relasyon (13 years) ng dalawa na magsimula noong 18 pa lamang si Julia at 32 naman si Coco.

Almost 13 years ang age gap nina Coco at Julia pero hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan. Coco is now 43 habang si Julia is 29 (turning 30 on March 19, 2025).

Limang taong gulang pa lamang noon si Julia (who is Mara Hautea Schnittka in real life) ay madalas siyang isinasama ng kanyang Lola Flory sa iba’t ibang auditions at kasama na rito ang para sa mga TV commercials.

Unknown to many, si Julia ay nagsimula sa bakuran ng GMA as a child actress when she was six years old. Nakagawa rin siya ng ilang TV commercials bago ito lumipat ng ABS-CBN to be part of the long-running kiddie gag show, ang “Goin’ Bulilit” na siya ring pinagmulan ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Kathryn and Julia starred in ABS-CBN’s remake of “Mara Clara” na unang pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes nung dekada nobenta. Ang nasabing serye ang naging launching nina Kathryn at Julia which molded them to become major stars as they are now. Nagsama rin ang dalawa sa kanilang first movie together na kanilang pinagbidahan, ang “Way Back Home” at magmula noon ay dinebelop na ang dalawa into their own solo stars.

Ang pag-iibigan nina Coco at Julia ay halos kasabay ng pagmamahalan noon nina Kathryn at Daniel Padilla na tumagal ng 11 years bago sila nagkahiwalay isang taon na ang nakakaraan. Pero sa part nina Coco at Julia ay nanatiling solid ang kanilang relasyon and they also have their own individual careers na hindi umaasa sa isa’t isa.

Habang si Coco ay patuloy na namamayagpag bilang Prime King sa kanyang nearly two-year-old action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo,” malapit na ring mapanood si Julia sa kanyang pinakabagong serye, ang family drama na adaptation sa Japanese hit drama series na “Mother” na ginawang “Saving Grace” ng ABS-CBN Studios and Dreamscape Entertainment which will premiere in the Philippines ngayong November 28 via Prime Video. Mapapanood din ang serye in 240 countries and territories.

Ang “Saving Grace” ay magsisilbing comeback TV series ni Julia after her guest appearance in “FPJ’s Ang Probinsyano” in 2022. Makakasama ni Julia sa nasabing serye ang megastar na si Sharon Cuneta, Sam Milby, Janice de Belen, Christian Bables, Jennica Garcia, Zia Grace at marami pang iba. Kagagaling lang din ni Julia sa isang hit movie nung 2023, ang romantic drama na “Five Breakups and a Romance” na pinagtambalan nila ni Alden Richards mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor.

In 2015, Julia took up culinary course sa Center of Culinary Arts Manila, isa sa mga pangarap niya since she was a young girl. Ang dalawa pa sa mga pangarap niya na hindi natupad ay ang kanyang pagiging isang flight attendant at sundalo pero ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Southville International School and Colleges kung saan nagtapos ang isa pang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria.

Coco at ‘BQ’ cast pasasayahin ang mga Pinoy sa Australia

Coco2coco3SA February 2025 ay magda-dalawang taon na ang tumatakbong hit primetime action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin na siyang ring tumatayong creative director, co-director at co-producer ng serye.

Marami ngayon ang nagtatanong kung kaya bang abutin ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang pitong taong itinagal ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan din ni Coco making it the longest-running action-drama series on Philippine television.

Kung tutuusin, napaka-suwerte na ng isang serye kapag ito’y umaabot ng dalawang taon and in the case of Coco’s “FPJ’s Ang Probinsyano” ay record na maituturing na nagtapos sa ere ng pitong taon na nasa peak pa rin ang ratings.

Ngayon, dadayo si Coco at ibang bumubuo ng ‘Batang Quiapo’ cast sa Sydney, Australia para pasayahin at pasalamatan ang ating mga kababayan sa nasabing lugar dahil sa kanilang walang sawang suporta sa serye. Ito bale ang unang pagkakataon ni Coco na pumunta ng Sydney kaya excited din siya na makarating sa nasabing lugar.

Speaking of Coco, hindi pa rin talaga nito kinakalimutan ang kanyang patuloy na pagtulong sa mga kasamahan sa trabaho na walang work. Bagong pasok sa “FPJ’s Batang Quiapo ang dating matinee idol na si William Martinez at ang actor-comedian-politician na si Anjo Yllana. At papasok na rin sa serye ang isa sa mga paboritong veteran actress ni Coco na si Gina Pareno. Bumalik na rin sa serye ang actor na si Ricardo Cepeda matapos itong makalaya sa mahigit isang taong pagkakakulong. Ginawa rin niya ito noon sa actor na si Julio Diaz.

Sam at Catriona hindi na nag-uusap?

SamHINDI na lamang ang Star Magic stars and talents ang madalas magkaroon ng all-stars concert tour sa Amerika, Canada at iba pang bansa dahil ginagawa na rin ito ng Cornerstone Entertainment sa kanilang mga contract stars.

Ngayong November 8 & 10, 2024 ay mapapanood ang mga talents ng Cornerstone sa Calgary at Toronto, Canada respectively na pangungunahan ni Piolo Pascual kasama ang dating engaged couple na sina Sam Milby at Catriona Gray, Erik Santos, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Kyla, Inigo Pascual, Kyle Echarri, Jason Dy at iba pa.

On November 8 ay nasa Calgary, Canada ang grupo na susundan ng Toronto on November 10. Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama-sama ang mga stars ng Cornerstone for a major concert in Canada.

Samantala, may mga nakapansin na nasa magkalayong upuan sa loob ng eroplano patunong Canada ang dating engaged couple na sina Sam at Catriona.

Since magkasama ang dalawa sa ibang bansa, magkaroon kaya sila ng chance na mag-usap at maging magkaibigang muli?

Carlos at pamilya di pa rin ayos, Eldrew babawi

YuloYulo1Yulo2Yulo3HINDI man nakipag-ayos ang two-time Olympics gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa kanyang parents na sina Mark at Angelica Yulo, mukhang ang nakababata niyang kapatid na si Eldrew Yulo ang babawi para sa kanilang pamilya.

Sumusunod na rin si Eldrew sa yapak ng kanyang nakatatandang kapatid na si Carlos. Sa nagtapos na 3rd JRC Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand ay nakapag-uwi ang nakababatang Yulo ng apat na gold at dalawang silver. Sobra ang pasasalamat ng pamilya Yulo sa Filipino coach ni Eldrew na si Reyland Yuson Capellan maging sa dating Japanese coach ni Carlos na si Munehiro Kugiyama na nakatutok ngayon sa batang Yulo maging sa isa pa nilang kapatid na si Eliza.

Samantala, personal na inabot ng kilalang businessman at politician na si Luis `Chavit’ Singson ang P5M incentive sa pagkakapanalo ni Carlos Yulo ng dalawang ginto sa Paris Olympics sa ina mismo ni Carlos na si Angelica Yulo. Ang gusto pa noong mangyari ng dating gobernador ng Vigan, Ilocos Sur ay ibibigay lamang niya ang nasabing halaga kung makikipagkasundo si Carlos sa kanyang pamilya. Pero nang makita ng negosyante at politician na nakikipagmatigasan si Carlos sa kanyang mga magulang, nag-desisyon siyang ibigay na mismo ang pera sa parents ng atleta.

Ang P5M ay personal na bigay mismo ni dating Ilocos Sur Governor sa pag-uwi ni Carlos ng dalawang Olympics gold medals.

Habang may sariling mundo si Carlos kasama ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose, nakatutok naman ang kanyang parents sa kanyang dalawang younger siblings na sina Eldew at Elaiza na parehong nagti-train ngayon sa Japan. Ang dalawa ay inaasahan ding magdadala ng sunud-sunod na karangalan sa Pilipinas na sinimulan na ni Eldrew.

Dahil sa pagmamatigas ni Carlos na makipag-ayos sa kanyang parents, marami sa kanyang mga kababayan ang na-turn off sa kanyang asal at may mga major endorsements din siyang nawala at kasama na rito ang Milo.

Dahil masaya ngayon si Carlos sa piling ng kanyang girlfriend na si Chloe, nakalimutan yata niya na hindi mapapalitan kailanman ang magulang at pamilya pero kaya niyang magpalit ng girlfriend kung nanaisin niya. Anu’t anuman ang mangyari sa kanya, ang kanyang nag-iisang pamilya ay nakahanda siyang patawarin at tanggapin anumang oras.

Tambalang Fyang at JM binubuo, fans hindi sang-ayon

FyangSA loob ng Pinoy Big Brother house ay nakita ng mga manonood ang pagkagiliw ng PBB: Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith sa kasamahan niyang si JM Ibarra habang si JM naman ay nakabaling ang attention sa isa pa nilang kasamahan na si Jas Dudley-Escales. Pero ngayong pare-pareho na silang nasa outside world, nag-iiba na ang takbo ng mga pangyayari. Mukhang binububo ng Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN ang team-up nina Fyang at JM, bagay na magkasalungat na tinatanggap ng mga fans ng dalawa. Marami ang ayaw kay JM for Fyang dahil sa ipinakita nitong asal habang nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya. Lumabas kasing si Fyang ang may gusto kay JM habang ang gusto naman niya ay si Jas. May mga netizens pang nagsabi na user umano si JM.

Ganunpaman, ang masusunod pa rin ay ang direksiyon ng Star Magic na pagtambalin ang dalawa na unti-unti na ring dumarami ang followers.

Marami rin ang nananiniwala na ang tambalan nina Fyang at JM ang susunod na magiging mainit na team-up. Kaya kaabang-abang ang development ng tambalan ng dalawa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE

Showbiz

SHOW ALL

Calendar