Bianca

Bianca nakita ang pagkakaiba ngayon ni Ruru

May 19, 2023 Aster Amoyo 200 views

NAKITA ni Bianca Umali ang pagiging mas pasensyoso at pagiging mas mabuti pa ni Ruru Madrid sa kanilang Paris tour para sa kanilang series na “The Write One.” Ang aktor naman, nakita ang maturity nila ni Bianca saang lugar man sila magpunta

“Nakita ko ‘yung patience and growth ni Ruru that I don’t really see when we are in Manila kasi we’re always busy,” sabi ni Bianca.

Si Ruru naman, sinabing mas tumatag pa ang relasyon nila ni Bianca.

“For the very first time sa buhay namin, or dito sa trip namin na ito, mas nakita ko na kayang kaya namin kahit na saang lupalop pa kami ng mundo papunta, kahit kaming dalawa lang nandiyan,” sabi ni Ruru.

EHeads handa na sa international shows

EheadsNATULOY na ang Eraserheads para sa kick-off ng kanilang Huling El Bimbo 2023 World Tour.

Kabilang sa pupuntahan ng legendary Pinoy alternative rock band ang Los Angeles, San Francisco, New York, at bansang Canada.

Mga media partner ng concert tour ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV. Bago bumiyahe, ibinahagi ng ilang Eheads members ang kanilang paghahanda.

Sinabi ni Ely Buendia na todo ang kanilang rehearsals at ready na rin ang setlist nila.

Excited din sina Marcus Adoro at Buddy Zabala dahil matagal na silang hindi nagkakapag-tour bilang isang banda.

Makakasama rin nila sa tour si Raymund Marasigan.

Excited na rin ang Eheads na makasama at mapasaya ang mga Kapuso abroad, lalo na ang kanilang mga fans na hinahangaan ang kanilang banda noong sumikat sila noong ’90s at pinasikat ang mga awiting “Pare Ko”, “Ligaya”, “With A Smile”, “Ang Huling El Bimbo”, “Toyang”, “Magasin” at “Harana”.

Kelvin hindi inaasahang maging bida

KelvinIKINUWENTO ni Kelvin Miranda na nagkataon lamang na nagkamali siya ng napasukang audition nang sumalang siya para sa pelikulang “Dead Kids,” ngunit siya pa ang nakuha sa lead role at magwaging best actor.

Sa online talk show na “Just In” ni Paolo Contis, binalikan ni Kelvin kung paano siya nakuha sa “Dead Kids” noong 2019, na kauna-unahang Netflix original film mula sa Pilipinas.

“Siya talaga ‘yung first role ko na malaki kasi from audition, from scratch,” sabi ni Kelvin.

“Actually meron nga akong kuwento riyan, na mali ako ng napasukan na room. Kasi noong pinag-audition ako ni sir (kaniyang manager), binabanggit niya sa akin na pinag-o-audition-an ko ‘yung isang film,” sabi pa niya.

“So pagpasok ko roon sa audition room, ‘Hello po!’ Hindi ko nakita si Direk Mik (Mikhail Red), nandoon lang siya sa sulok kasi tahimik lang siya, nasa monitor.”

Nagtanong si Kelvin kung tama ang pelikula kung saan siya nag-o-audition.

“‘Hindi, Dead Kids ito. Alam mo ba ‘yung pinapasok mo?’” sabi raw ng staff kay Kelvin.

“Hindi ko alam, hindi ko talaga alam,” natatawang sabi ng Kapuso actor.

“Pinanindigan ko na lang, pero nahiya ako noong sinabi nila ‘Alam mo ba ‘yung ginagawa mo?’ Hindi naman harsh ‘yung pagkakasabi nila pero natatawa rin sila sa sitwasyon. ‘Para kang naligaw,’” pag-alala pa niya.

At nang sumabak na sa audition, ibang karakter din ang kaniyang sinubukan at hindi ang bida.

“Iba ‘yung in-audition ko riyan. Ang in-audition ko ‘yung Blanco, tsaka ‘yung role ni Khalil (Ramos). Pero ‘yung direktor mismo ‘yung nagsabi na ‘Sige nga i-try mo nga itong gawin si Sta. Maria (bida).’ Eh hindi ako prepared.”

“Sabi ko ‘Sige po, okay lang po, basahin ko,’” sabi ni Kelvin sa direktor. “‘Hindi, huwag mo nang basahin, mag-improvise ka na lang. Bigyan kita ng scenario, gawin mo siya.’”

Hindi man niya inaasahan, si Kelvin pa ang nakakuha sa lead role.

“Hindi ko in-expect na makukuha ako roon sa film kasi since ‘yung pina-audition sa akin bida. So ine-expect ko mas kilala ‘yung kukunin,” saad niya.

Nanalo si Kelvin bilang Best Actor para sa pelikula sa ika-anim na Urduja Film Festival at naging daan iyon para maging isa siya sa leading men ng Kapuso network.

AUTHOR PROFILE