MPD

Bebot na MWP timbog sa Tondo

July 6, 2022 Jonjon Reyes 345 views

NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 32-anyos na dalaga makaraang silbihan ng warrant of arrest sa Tondo, Maynila, Martes ng gabi.

Ang suspek na wanted sa robbery-snatching ay residente ng Matimtiman St., Tondo at kabilang sa top 10 most wanted person (MWP) sa station level.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, station commander ng MPD-Malate Police Station 9, bandang 7:15 ng gabi nang bitbitin ang dalaga na natunton sa Zaragosa St. malapit sa Wagas St. sa Tondo.

Hindi na nagawang pumalag ng dalaga at kusang sumama sa mga awtoridad.

Dahil sa patuloy na kampanya ng pulisya sa mga “wanted” sa batas, iniatang ni Tangdol kina P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Station Warrant Section at ni P/Maj. Salvador Iñigo Jr., hepe ng Intelligence Branch, na siyang nakaaresto sa suspek.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Noli Diaz ng Regional Trial Court Branch 39 ng Maynila.

AUTHOR PROFILE