Crime

Bebot itinumba ng kagawad sa Lipa

March 10, 2024 Jojo C. Magsombol 92 views

DEAD-on-the-spot ang isang babae ng pagbabarilin ng isang barangay kagawad sa Lipa City, Batangas noong Sabado.

Kinilala ang biktima ng Lipa City police na si Marilyn Escartin Peña, 51, ng San Juan, Batangas.

Mabilis na tumakas ang suspek na nakilalang si alyas Joey, konsehal at naninirahan sa Lipa City.

Sa imbestigasyon, bandang alas-4:38 ng hapon habang naglalakad ang biktima nang biglang lapitan ng suspek at pinagbabaril ng ilang beses na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Nagresponde ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) technicians mula sa Batangas Provincial Forensic Unit (BPFU) para mag-imbestiga.

AUTHOR PROFILE