
Beatrice nakabalik na ng bansa, ayaw mag-artista
NAKABALIK na sa bansa last Wednesday night, December 15 ang kinatawan ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa recently-concluded 70th Miss Universe na ginanap sa Arena Universe ng Eilat, Israel nung gabi ng Linggo, December 12 (December 13 nang umaga sa Pilipinas) kung saan siya nakapasok sa Top 5 among the 80 candidates mula sa iba’t ibang bansa. Siya’y sinalubong ng Philippine Navy Battalion na nag-alay ng bulaklak at sumaludo bilang reservist ng Philippine Navy na may ranggong sergeant.
Si Beatrice ang kauna-unahang bisexual beauty queen na umamin sa kanyang sexual preference. She was previously in a relationship with Kate Jagdon, isang disc jockey at entrepreneur. Pinsan din siya ng dating Miss International Tourism na si Rizini Alexis Gomez at pamangkin ng dating PBA player na si Roel Gomez.
Si Beatrice na ipinanganak sa San Fernando, Cebu ay pinalaki ng kanyang single mom. Balak din niyang tapusin ang kanyang pag-aaral sa University of San Jose – Recoletos where she was taking-up Mass Communications. Back in school ay isa siyang student athlete scholar at naging varsity player ng volleyball team pero nag-drop siya.
Back in 2015 ay sumali siya sa Miss Mandaue pageant in Cebu where she placed second. Muli siyang sumali sa Bb. Cebu Philippines at nakuha niya ang korona plus other special awards tulad ng Best in Swimsuit, Miss Foton, Miss Boby Worx Medical Spa at nung September 1, 2021 ay pumasok siya sa 30 candidates ng Miss Universe Philippines kung saan niya nasungkit ang korona plus other special awards tulad ng Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, Miss Cream Silk, Miss Luxx ImmunPlus Game Changer awards. Ang 2020 outgoing Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo ang nagputong sa kanya ng korona.
Wala naman sa immediate plans ni Beatrice ang pagpasok sa showbiz tulad ng ibang mga beauty title holders.
Bukod sa pagmu-model, Beatrice is into boxing, scuba diving ang mixed martial arts.
Clarence nawala na ang chubby look
ISA na ngayong Kapuso artist ang dating Kapamilya child actor na si Clarence Delgado na nagsimula sa Star Circle Quest in 2011 at naging daan ng kanyang pagkakapasok noon sa now-defunct long-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.
Si Clarence who turned 17 last December 15 ay nasa pangangalaga na ngayon ng GMA Artists Center. First TV guesting niya sa Kapuso network ang “Dear Uge” at first TV series naman niya ang “First Yaya”.
Since teen-ager at nagbibinata na si Clarence, nawala na ang kanyang baby fats when he was a kid.
Bagong drama series nina Jodie at Zanjoe malapit nang mapanood
MATUTUNGHAYAN na sa susunod na buwan sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5 ang inaabangang local adaptation ng hit British drama series na “Doctor Foster” na pinamagatang “The Broken Marriage Vow,” isang psychological-thriller drama series na tinatampukan nina Jodie Santamaria, Zanjoe Marudo, Zaijian Jaranilla at Sue Ramirez. Kasama rin sa nasabing major TV series sina Joem Bascon, Ronnie Lazaro, Malou Crisologo, Empress Schuck, Franco Laurel, Rachel Alejandro, Art Acuna, Bianca Manalo, Kate Alejandrino, Ketchup Eusebio, Jane Oineza at Angeli Bayani at pinamahalaan ni Connie Macatuno.
Sa teaser pa lamang ng serye ay marami na ang nag-aabang na mapapanood na simula ngayong January 2022.
Bela nage-enjoy sa London
HINDI pa masabi ng singer, actress, writer, director at producer na si Bela Padilla (30) if she’s staying in London for good but for now ay doon muna siya namimirmihan. Malapit-lapit na rin ang London sa Switzerland kung saan naman naka-base ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay kaya madalas din silang magkita.
Bela’s father is British (na nasa-Bangkok ngayon) habang ang kanyang half-siblings sa father side ay nasa London. Nasa Pilipinas naman ang kanyang Filipina mother na pinsan ng magkakapatid na Robin, Rommel at BB Gandanghari (Rustom Padilla).
Since wala pa naman siyang bagong TV and movie assignment sa Pilipinas, mas gusto niya munang mag-stay sa London kung saan umano siya kumportable.
May dalawa pa siyang unshown movies sa Pilipinas, ang Philippine adaptation ng K-movie na “Spellbound” na pinagtambalan nila ni Marco Gumabao at kung saan din tampok si Rhen Escano at ang kanyang directorial debut movie na “366” na siya rin ang sumulat at kung saan niya co stars sina Zanjoe Marudo at JC Santos.
Bela says na mas productive umano siya habang siya’y nasa London.
Angelica hindi nakatanggi sa bagong project
INAMIN ng 35-year-old Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na nagbabakasyon siya sa Amerika nang matanggap niya ang offer na pangunahan ang WeTV original series na “The Kangks Show” mula sa panulat at direkiyon ni Antoinette Jadaone. Nang basahin niya ang script ay hindi umano siya magka-resist kaya agad siyang bumalik ng Pilipinas para gawin ang nasabing proyekto na tinatampukan din nina JC de Vera, Kit Thompson at Maris Racal.
Ayon kay Angelica, kakaiba umano ang kanyang role sa “The Kangks Show” where she plays a sex guru na siyang host ng isang midnight sex advice program. First time umano siyang gumanap ng ganitong role in her almost three decades bilang aktres.
Si Angelica ay huling napanood sa hit primetime TV series na “Walang Hanggang Paalam” at kasama rin siya sa “The Goodbye Girl” TV series na mapapanood in 2022.
Kit at Ana umamin na sa relasyon
INAMIN na ng Fil-Kiwi actor at ex-PBB housemate na si Kit Thompson (24) ang kanilang relasyon ng baguhang sexy actress na si Ana Jalandoni na ipinakilala sa pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.”
Ang relasyon ng dalawa ay nagsimulang mapansin ng netizens last November nang magpalitan ng komento ang dalawa sa picture na pinost ni Ana.
Since bago pa lamang ang relasyon ng dalawa at pareho pa rin silang naga-adjust sa isa’t isa, hindi pa ito nagsi-sync-in sa isipan ng dalawa lalupa’t bukas din naman ang actor sa mga sexy scenes in his movies.
Direk Roman may mga bagong bibinyagan
MATAPOS `binyagan’ ni Direk Roman Perez, Jr. ang mga baguhang aktres noon na sina Rhen Escano at ang dating beauty queen na si Cindy Miranda sa suspense-thriller movie na “Adan” in 2019, dalawang baguhang actor na naman ang bibinyagan ng mahusay na director sa pelikulang “Siklo” na sina Vince Rillos at Christine Bermas. Ayon sa director, ipinagmamalaki niya ang movie maging ang kanyang mga leads sa pelikula na sina Vince at Christine na parehong nagpakita ng husay sa pag-arte sa nasabing pelikula na nakatakdang matungyan sa Vivamax streaming app on January 7, 2022.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.