Bea Screenshots mula sa IG/@johnvalle20

Bea parang ‘manika’ sa bagong video

September 18, 2023 People's Tonight 303 views

PARANG manika ang kagandahan ng award-winning actress na si Bea Alonzo sa kanyang look para sa cinema premiere ng kanyang papalabas na pelikulang “Love Before Sunrise”.

Sa isang Instagram post nitong Linggo, Setyembre 17, in-upload ng celebrity hairstylist na si John Valle ang video kung saan makikitang umaawra si Bea sa camera.

Suot-suot ni Bea ang isang kulay pink na dress na fitted sa kanyang katawan at may disenyong bulaklak sa bandang gilid ng kanyang bewang.

Pakak din ang kanyang makeup at hair sa nasabing video dahilan para tawaging parang Barbie ang ganda ng aktres. Komento pa nga ng ilang netizens na walang kupas ang ganda ni Bea.

“Barbie BEA!!!”

“Gorgeous as always our queen B.”

“APAKAGANDA PO OPO!”

“Super gandaaaa tlga n Queen Bea.”

“Grabe ganda.”

Nagpasalamat naman si Bea sa comment section sa hairstylist sa pag-post ng kanyang video.

“Thanks JV!!” saad ng aktres.

AUTHOR PROFILE