
Batas sa drones ipinanukala ni Sen. Koko
NAKATAKDANG magkaroon ng batas tungkol sa pagmamay-ari ng drone na kilala bilang laruang pambata at matanda na uso sa maraming taong sinasabing may kaya sa buhay.
Ito ang inilahad kamakailan ni Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel na pormal na nag file ng kanyang Senate Bill 2526, o kilala bilang an act regulating as the ownership and operations of drones by private person.
Ayon sa senador, nagagamit ang drone para makapag-monitor ng mga kilos ng mga tao at nasasagasaan din ang privacy ng pinunpuntirya ng mga ito.
Sa umpisa, ginagamit lamang ito nga mga amateur photographer na kilala rin sa tawag na unmanned aerial vehicles or drones na nagkalat ang bentahan hindi lamang sa mga kilalang tindahan kundi maging sa Quiapo.
Habang tumatagal, natuto na ang maraming tao na gamitin ito maging ng mga law enforcement at military sa tinatawag nilang surveillance sa iba’t-ibang parte ng bansa.
Ani Pimentel, dapat nang isakatuparan ang tamang regulasyon sa paggamit nito.
Sa ilalim ng kanyang panukala, sinabi ni Pimentel na obligado ang sinuman may ari ng gadget na drone na magpa rehistro sa Civil Aviation Authority of the Philippines.
Ang nasabing panukala ay magtatakda ng penalty na aabot sa P50,000 hangang sa halagang P100,000 bilang kaparuhan sa lalabag sakaling maisabatas na ito.