Batangas

Batangas police todo tutok sa PNG, Batang Pinoy

December 21, 2023 Jojo C. Magsombol 168 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Todo tutok ang mga pulis sa lalawigang ito para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa ikaapat na araw ng Philippine National Games (PNG) at Batang Pinoy.

Sa pamumuno ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte, nag-inspeksyon ang mga nakatalagang area supervisor sa pagdarausan ng mga kaganapan sa naturang palaro.

Isa sa mga sinuri ang kalagayan ng mga daan para sa cycling event.

Siniguro ang sapat na kaayusan lalo na sa mga blind curves at mga paahong daanan para mailapat ang rerouting scheme para sa mga truck at iba pang sasakyan.

Ikinukonsidera maging ang kalagayan ng daan sakaling bumuhos ang ulan sa paglalapat ng seguridad para sa patimpalak.

Naghanda ng raincoats maging mga reflectorized vests para magamit ng mga nakatalagang magbigay ng assistance para maayos nilang magampanan ang kanilang tungkulin kahit umulan man o bumagyo.

“Iba na ang handa, iba na ang nag-iingat, Labis na nagagalak ang Batangas Provincial Police Office sa pagkakataong makilahok sa ginaganap na Philippine National Games at Batang Pinoy,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE