Batangas

Batangas nakiisa sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo

July 31, 2023 Jojo C. Magsombol 461 views

BATANGAS City–Nakiisa kamakailan ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa paglulunsad ng “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas ng Kita” (KADIWA) ng Pangulo 2023 sa pamamagitan ng proyekto nitong Community Food Market ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg).

Dalawamput- siyam na mga farmers at fisherfolks’ associations, cooperatives at Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa lalawigan ang nakilahok sa Community Food Market na ginanap sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ipinamalas ng Kapitolyo, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang buong suporta sa KADIWA, na proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos, na naglalayong mailapit sa taumbayan ang mga murang bilihin mula sa mga lokal na agricultural memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Naging paninda sa community market ang iba’t ibang mga agricultural produce, tulad ng bigas, gulay, karne, prutas, at isda, mga food and non-food products ng mga MSMEs na kasama sa One Town, One Product ng mga local government units; at mga ready-to-eat food ng mga micro enterprises.

Pinangunahan ng mga kawani ng OPAg, sa pamumuno ni Dr. Rod Bautista, ang implementasyon ng KADIWA sa Kapitolyo.

Naging katuwang sa aktibidad ang mga tanggapang pang-Region IV-A ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) and Department of Labor and Employment.

Kabilang sa mga dumalo sa pamilihan sa Kapitolyo sina sa DTI Regional Director Marissa Argente, DOLE Provincial Director Predelma Tan at DA Marketing Assistance Division Chief Edith Salvosa.

AUTHOR PROFILE