Default Thumbnail

Bataan nagsuspinde ng klase sa daycare, elem, HS

April 8, 2024 Christian D. Supnad 100 views

BATAAN–Hindi na hinintay ni Bataan Gov. Joet Garcia na may ma-heat stroke pa na estudyante ng irekomenda niya ang suspension ng klase sa daycare, elementary at high schools dahil sa sobrang init ng panahon noong Lunes.

Batay sa forecast, maaaring umabot sa 34°C ang init sa lalawigan na nasa ilalim ng extreme caution classification.

“𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒅𝒊𝒕𝒐, 𝒔𝒖𝒔𝒑𝒆𝒏𝒅𝒊𝒅𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒇𝒂𝒄𝒆-𝒕𝒐-𝒇𝒂𝒄𝒆 𝒄𝒍𝒂𝒔𝒔𝒆𝒔 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒎𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒌𝒐 𝒂𝒕 𝒑𝒓𝒊𝒃𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒚𝒄𝒂𝒓𝒆 𝒄𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓𝒔, 𝒑𝒓𝒆-𝒆𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒓𝒚, 𝒆𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒓𝒚 𝒂𝒕 𝒉𝒊𝒈𝒉 𝒔𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍𝒔 𝒔𝒂 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏,” ani Gov. Garcia.

Base na rin ang suspension ng mga klase sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

“Pinapayuhan po natin ang mga apektadong paaralan na pansamantala munang ipatupad ang kanilang mga alternative delivery methods of teaching tulad ng online o modular,” anang gobernador.

Sinabi ni Garcia na: “Nasa pagpapasya naman ng mga pamunuan ng kolehiyo dito sa ating lalawigan kung ipatutupad nila ang ganitong sistema ng pagtuturo para sa kanilang mga mag-aaral.”